Tiangge tuwing Martes nagbukas na
Posted on November 20, 2007, 11:33 AM under Street StoriesHuwebes: Teresa.
Biyernes: Tanay.
Linggo: Morong.
Pagdating ng Martes: Baras.
Ang tiangge, na sinimulan noong Nob. 29, at idinadaos sa pamilihang bayan, ay proyekto ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Treasurer’s Office. Ayon kay Mayor Wilfredo Robles, inatasan niya ang MTO na magdaos ng tiangge upang “lumaki at dumami ang income” ng bayan.
Dagdag pa niya, “Ngayong nagbabayad tayo ng utang, diyan tayo kukuha ng ating (pagkakakitaan). Naisip ko, ito ay isa sa mga bagay na sign ng progress, ang magkaroon ng tiangge sa bayan ng Baras.”
Matatandaang P 10 milyon ang utang ng pamahalaan.
Mula Nob. 29 hanggang Dis. 27, umabot sa P 25, 000 ang kinita ng pamahalaan. Nasa 110 naman ang dami ng manininda na nagbebenta sa tiangge sa isang araw, ayon kay market master Ceasar Tomas.
“Ang purpose dyan ay yung mga taga-Baras ay magkaroon ng habit na dito na mamili,” sabi ni Jaime San Marcos, in-charge of office ng MTO.
Upang makaakit ng mga manininda, hindi muna sila pinagbayad ng P 30 bayad sa puwesto para sa unang araw ng tiangge. May P 30 na renta rin sa mga papag na lagayan ng mga paninda.
Bukod sa kita ng pamahalaan, nabigyan din ng hanapbuhay ang mga nagtitinda ng kakanin sa mga bahayan malapit sa pamilihang bayan. Nagtalaga naman ng mga pulis upang siguruhin ang kaligtasan ng mga mamimili at kaayusan ng trapiko.

Recent Comments