Concerned citizen airs traffic woes
An unsigned yet interesting letter was read yesterday at the Sangguniang Bayan. In a gist, s/he complains of the ineffective implementation of the traffic rules that were enacted by the SB itself, particularly in Barangay San Juan, near the Catholic church.
Everybody listened, including some visitors. The letter was received by a househelp of Vice Mayor Armingol Pilapil Jr. The letter is now in the possession of Councilor Romulo Dinozo.
In the next post, you”ll read the reaction of some SB members .
Here’s the letter, without modification.

Sa mga mabubunying mga kagawad ng Sangguniang Bayan ng Baras, Rizal
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Ako po ay isang nagmamahal na kababayan ninyo dito sa Baras. Bilang isang mamamayan, mahal ko po ang ating bayan at ang malasakit ko dito na ito ay mapabuti ay sagad sa kaibuturan ng aking puso.
Nagmamalasakit po lamang ako at wala akong hangad na ilublub sa kapariwaraan ang sino mang naunungkulan dito sa ating bayan.
Dahilan po dito, magtatanong po lamang ako ng ilang bagay at nais ko pong iparating sa inyo ang ilang nagdudumilat na pangyayari dito sa ating bayan na hindi lingid sa inyo ang katotohanan.
Tulad po, halimbawa, ng pagpapatupad at pagpapalakad ng mga ordinansang ipinasa ninyo.
Una, ano po ba ang nangyari sa isang ordinansa dito sa ating patungkol sa daloy ng trapiko sa daang San Jose, Barangay San Juan patungo sa simbahan? Alam ko po na sa isang ordinansyang inyo ipinasa, ang daang ito ay “one-way” paakyat mula sa Calle Rizal. Bakit po ito nagsiskip at sala-salabat ang mga sasakyan lalo na kung Linggo. Bakit po ito hindi ipinatutupad. Sino ang natutulog na dapat gisingin? Ang ordinansa bang ito ay hanggang papel na lamang?
Ikalawa, tayo po ay may palengke na kung saan ang mga paninda ay dapat na malagay, lalo na ang mga panindang isda/ Bakit po ang ilang mga tao ay pinapayagan ninyong magtinda sa mga bangketa o tabing daan lalo na doon sa may palengke. Nakapikit ba ang inyong mga mata dito o may nakatapal ditong may halagang bagay?
Ikatlo, ang mga kalye o kalsada ay daanan ng mga tao at mga sasakyan. Ito ay hindi dapat lagyan o pagtayuan ng mga strukturang nakasasagabal sa takbo ng mga sasakyan. Bakit ninyo pinahihintulutan na may magtayo ng tindahan sa gilid ng kalye, lalo doon sa daang San Jose na malapit sa simbahan? Gayon di doon sa Daang Nagpatong sa may kanto ng F. Manalo. Tila ito ay tirahan na at hindi lamang tindahan. Kung ang nakatira dito ay iskwater, hindi ito dapat dito. Gibain ito. Masakit sa mata.
Ikaapat, huag po ninyong pahintulutan na ang kalye o daan lalo na yaong nasa loob ng bayan, ay gawin himpilan o garahe ng mga sasakyan maging tricycle, kotse o ano pa mang sasakyan. Magpasa kayo ng ordinansa na nagbabawal sa sino man na maghimpil at gawing garahe ng sasakyan ang kalye, maging ang lugay na kinahihimpilan ng sasakyan ay tapat ng kanyang bahay. Kung siya ay walang garahe, humanap siya ng bakanteng lote na mauupahan niya at dito niya igarahe abng kanyang sasakyan. Kung ito ay hindi niya magagawa, huag siyang bumili ng sasakyan. Ang kalye o daan ay hindi dapat himpilan ng ano mang sasakyan, dapat ito ay laging bukas at maluwag. Nagpapasikip sa daloy ng trapiko ang mga sasakyang nakahimpil o naka-garahe sa tabi ng daan. Huag sana ninyong hintayin na magkaroon pa ng isang sakuna o malagim na bagay. Tuldukan na ninyo ito. Kilos mga pogi.
Magpasiklab naman kayo. Tigilan na muna ninyo ang mag-isip ng pagkakakitaan. Lingapin ninyo ang ating bayan. Huag kayong manatiling nakaupo sa inyong mesa at nagkakamot ng ba***. Malapit na naman ang 2010. Haharap muli kayo sa amin. Ano naman kaya ang inyong ipagyayabang at ipambobola sa amin? Alam ninyo, pag kayo ay nakatayo sa patong-patong na batao ang popogi ninyo. Sana kahit hindi doon ay pogi rin kayo.
Didikin ninyo ang ating kapulisan (foolish-san) upang ipatupad ng maayos ang batas pan-trapiko. Huag nin6yong i-asa sa mga barangay tanog (tagay) gumising naman kayo. Kilos na bago mahuli ang lahat. Pasulungin ninyo ang Baras nang hindi umatras. Sugod ng sugod. Walang atras.

You can view the larger version here.
























dindoandfriends said
am May 28 2008 @ 5:10 am
magsilbi dapat yang panggising buong pamahalaang bayan.lahat ng nakasulat dyan ay totoo. kaliit ng bayan natin hindi mapaayos ng mabuti.eh ano gang ginagawa ng kapulisan.kailangan bang taga ibang bayan pa ang maglinis ng kalat natin.aba eh kumilos at hindi dumadada. lalong mas magand mismong mga konsehales ang manguna sa pagpapatupad ng batas.
Florante said
am May 28 2008 @ 1:40 pm
Kaya seguro pinadaan ang sulat kay Bise Armingol sapagkat ang bahay niya ang pinakamalapit sa mga lugar na wala sa ayos. Na sa harap lang siya ng palengke!!! Kung mayroon dindoandfriends sa blog na ito, dapat meron din armingolandfriends, di ba? Luma na yang mga pakana na yan!!! Mindsetting lang yan para pagdating ng 2010, sapin-sapin na ang mga isyu ukol sa administrasyon. Kayong 2 na lang kaya maglaban? Si Mayor Willie naman ok lang kung merong papalit sa kanya na hihigitan pa ang kanyang paglilingkod sa bayan. Ipapasa na lang niya ang kanyang posisyon. (KUNG MERON LANG SANA ??….. KUNG MERON?? …).
shynez said
am May 28 2008 @ 6:08 pm
i agree with da 1 hu made dat letter..its not jz about da trffic,it’s about evrythng hppens in our town..it seems n s lhat ng municipalities s rizal eh tau n yta ang npg-i2wnan..whre do d officials spend da budget given by da gov’t?????prng wlng imprvmnt, sna nman poh wg lng kaung lging mgpa-cute kc ndi yan ang ngluklok s inyo s kung anong position mron kau ngaun,, kundi ung mga bnitiwan nyong pngako pra s byan ntin..
mabiningputol said
am May 30 2008 @ 1:52 am
totoo sinabi ni shynez napagiiwanan na tayo ng mga kalapit bayan natin. ang hirap dito sa atin bang daming magagandang batas pero hindi napapatupad.kaliit ng bayan eh pero hindi maisaayos.aba kilos na tayong lahat para umunlad at mapaayos ang bayan natin.kaawa na si mayor willie halos hindi na natutulog yung tao sa pagisip ng paraan para mapaayos ang bayan.
joseph said
am May 30 2008 @ 7:21 am
Any concrete suggestions?
aling tikday said
am May 30 2008 @ 7:59 pm
mga kababayan,ang mga batas at ordinansa , pinag isipan at pinag-aralan. nang maaprubahan, ipinaalam sa taong bayan upang ipatupad para sa kapakanan ng lahat hindi ng iisa lang. Nasa atin na ang pagdisiplina sa ating mga sarili. Alam na nating bawal, gagawin pa. Yun ba kasalanan pa ng gumawa ng batas? Kapag pinatawan naman ng parusa ang nagkasala, kanyakanyang hila ng padrino at pag di natulungan , galit pa sa nilapitan. Kapag kumilos ang kafulishan( sabi mo yan)kung pede lang siya na sana ang nagpasalvage kay TAGA. Maiiwan nga tau kung ganyan kaya kaibigan, siguro mas maganda kung tayo na nakakaalam ang maging magandang halimbawa ng ating kababayan. Concerned Citizen naman tau di ba?
aling tikday said
am May 30 2008 @ 8:13 pm
Para naman kay shynez,ne, maraming improvement sa bayan natin at walang perang sinasayang ang pamahalaan, Sana minsan punta sa munisipyo at tingnan mo ang libro o mga dokumento dun. open yun sa publiko may transparency dahil walang itinatago. Minsan damhin din natin at iapreciate ang effort na ginagawa para sa bayan. Yung malalaking hinahanap mo mangyayari pero hindi bigla dahil hindi madyikero ang mga opisyal nf bayan, tulad mo, nangangarap din ako ng pag unlad at lubusang pag angat ng Baras. LetK keep our fingers crossed ang pray for the progress & peace of our beloved town
ligrev25 said
am May 31 2008 @ 12:55 am
Sang ayon ako kay aling tikday, dapat nga na sa atin magmula ang pagsunod sa batas at ordinansa at hindi yung pagkuha ng padrino para makalusot sa batas.
payo naman sa mga nanunungkalan, naway wag nilang ki=unsintihin ang mga lumalapit sa kanila para aregluhin ang mga pagkakamali nila, di bale ng magalit cla kung di mapagbigyan, marami din namang matutuwa sa gagawin nila.
Disiplina talaga ang isang kelangan sa pag-unlad ng bayan. Mabuhay ang mga Barasenians………
Michael said
am June 21 2008 @ 2:33 am
Bakit di siya nagpakilala? bakit unsigned?