Boses ng Baraseño

Posted on November 1, 2007, 10:46 AM under Street Stories

Gamit ang scale na 1-10(pinakamataas), anong grado ang ibibigay mo sa liderato ni Mayor Wilfredo Robles at ng Sangguniang Bayan?

8. Maraming problema na hindi naasikaso. Katulad ng kalsada. Yung paligid sa bundok napakarumi. Ang kalsada kailangang (ayusin). Dumadaan naman sila doon pero hindi nila binibigyan ng aksyun. -Juanario Mance, 40, Brgy. Pinugay, drayber ng jeep na biyaheng Baras-Pinugay.

10. Kasi ilang Mayor yung nagdaan, nilakad namin nung isang taon (yung allowance ng mga estudyante ng Rizal Science National High School na taga-Baras). Nilakad namin yun nung isang taon kay Mayor Dindo, ni ha, ni ho, wala kami. Ni hindi man lang kami pinapasok sa loob ng munisipyo. Samantalang ngayon nabigyan kami kaagad. Sa SB, 10 din. -Elenita Ocampo, 45, Brgy. San Jose, maybahay.

Sa Mayor natin, 10, pero sa mga konsehal, 7 lang sila. Kasi lahat ng hiniling namin para sa school, lahat ng hiniling namin para sa bayan, natutupad naman. Yung hiningi namin na stage, (agad-agad) nandun sa (Baras National High School). Sa mga konsehal, mabagal sila. Nung humingi sila ng public hearing ukol sa paglilipat ng munisipyo, alas-nuwebe kami naroon na. Nung matuloy ay alas-onse y medya. Anong klase yan? – Jose Buatis, 50, Brgy. Rizal, presidente ng Parents-Teacher Association ng BNHS.

10. Kay Mayor, madaming napa-project, tulad ng mga job fair na yan, nawawala ang mga tambay. Sa konsehal, wala akong masabi kasi parang wala naman silang ginagawa. – ‚ÄúLina,‚Äù 50, Brgy. San Juan, tindera ng street food.

8. Wala pa naman akong pangit na (usapin) na naririnig sa kanya. Ang balita ko ay gumanda yung harapan ng munisipyo. -Merced Ferrera, 37, Brgy. Mabini, maybahay.

5. Mapulitika pa rin. Yung mga konsehal na hindi nila kapartido eh hindi nila binibigyan ng chance. Di nila tinutupad yung pangako nila na kalimutan ang pulitika. -“Lola”66, Brgy. San Miguel, maybahay.

7. Di pa kasi siya (Robles) pumupunta dito simula nung manalo siya. -Annalyn Javier, 27, Brgy. San Salvador, encoder sa Land Transportation Office.

8. Bago pa lang eh. -John Ocampo, 36, tricycle driver sa Brgy. Concepcion.

10. Kampi naman kami sa kanilang lahat. “Felizardo Jaravilla, 55, Brgy. Santiago, mangingisda.

Source: Baras Balita, Volume 2 Issue 1

Leave a Reply. All comments are moderated. No text language allowed. All Caps are not allowed.