Boses ng Baraseño
Posted on November 10, 2007, 11:17 AM under Street StoriesKung mga dokumento ang pagbabasehan, “umunlad” ang pamahalaang bayan batay sa P 31.7 milyon na kinita nito noong 2005. Ito ay P 4.4 milyon na mas mataas sa P 27.2 milyong kita noong 2004. Tumaas nang bahagya ang mga nakolektang buwis at nabayaran ang ilang utang. Nagtanong ang Baras Balita sa ilang Baraseño:
Ano ang naramdaman mong pag-unlad sa bayan noong 2005?
Wala pa rin naman akong nakikitang pagbabago.- Elsie Pilapil, 51, Brgy. Rizal.
Yan ang hindi ko pa nakikita dahil apat na buwan pa lang ako dito. Hindi ko pa nararamdaman sa sarili ko. Masyadong mamulitika ang mga tao. Ang dapat, mawala yung pamumulitika. Kung wala yun sa bayan natin, tuloy ang pag-unlad. -Rudy Anduque, 63, Brgy. San Juan
Wala nga eh. ‚ÄòYung tiangge lang ang naramdaman ko. Tsaka yung cell site ng Smart (Communications). – Alex Javier, 44, Brgy. San Salvador
Marami. Nagkaroon ng ukay-ukay. Dati walang ukay-ukay. Nagkaroon ng hagad (police motorcycle). Nagkaroon ng sasakyan yung mga barangay. Nagkaroon ng road widening. Yung ibang kabataan sumigla dahil sa isports. -Eric Ballestero, 30, Brgy. Mabini
Siguro meron dahil tapos na ang pagawain ng Nawasa (Manila Water Company). Henedina Diñozo, 41, Brgy. Concepcion
Nagkaroon ng Baras Band. Yung mga musikerong matagal natigil nagagamit ang kanilang kakayahan. -Sandy Torres, 36, Brgy. San Miguel
Wala pa akong masabi kasi nasa bahay lamang ako. -Lutgarda Moreno, 56, Brgy. Santiago
Source: Baras Balita, Issue No. 3, July 2005 – January 2006

Recent Comments