Fr. Rico Hilario: Feast on March 15 has a basis
Posted on January 27, 2008, 11:19 PM under Culture and Tradition, Religious AffairsI know that most of our kababayans are confused (again!) on when we should celebrate the town fiesta. More than three years after the Sangguniang Bayan approved an ordinance setting the town fiesta on the last Sunday of January, parish priest Rico Hilario now says that it should be March 19. As that day falls in Holy Wednesday, the Church decided that it will be celebrated on March 15 (Read the Catholic Online article here.). This confirms the earlier post that there will be no activities for this year’s fiesta.
Since I did not have a recorder the first time I heard Fr. Rico’s explanation regarding the change of date, I decided to go back to the church on the 6 pm mass today. Luckily, Fr. Rico was outside the church when I came. Another priest was celebrating the English mass.
Here‚Äôs my interview with the parish priest. For the sake of clarity, some portions were edited, but, even if you ask for the original file, the message is the same. I decided to post the interview to avoid any nuances on the way he answered the questions. I also took away the portions which are unnecessary – regarding the church improvement and the way Barasenians celebrated the town fiesta. You will also notice some phrases that are in bold. This is just to emphasize the priest‚Äôs point. I have to admit that this is a little bit to late. If I have time, I will post the interviews I made last week with Councilors Ramon Matignas, Mario Mendoza, Emmanuel Olano and Mayor Wilfredo Robles regarding this.
The moment I told him the purpose of the interview, and that it was about the issue on the fiesta, here’s his immediate reply:
Anong issue, hindi dapat maging issue. Ano ba birthday mo, ang birthday mo ba, binabago mo ba ang birthday mo? Ano ang issue dun?
But Fr. Rico’s main point is: March 19 as Saint Joseph Husband of Mary’s feast day has a basis; the last Sunday of January has none.
Q: For decades now…
A: Hindi yun ang katuruan ng simbahan. Alam mo ba nyo ba na ganoon din ang date noong araw? Ito ang simbahan. Kung anuman ang ipinagdiriwang nila, ito ang ang itinakda ng simbahan. Ibig mo bang sabihin mali ang ipinagdiriwang nila noong araw? Back to basics lang. Kailangang maliwanag muna ang dalawang title ni San Jose – Husband of Mary and the Worker. The Worker, May 1 yun. Tayo, ang patron natin, Husband of Mary, March 19. Dapat dun pa lang wala nang issue. This year, papatak ang March 19, Holy Wednesday. Ano yung ordo, sa ordo, ang official gudieline ng church for the whole year from Advent to Christ the King. Mas mataas ang level of celebration ng Holy week. Pagkatapos nun, hindi madidiresgard ang kaarawan ni Saint Joseph. Minarapat ng simbahan, na for this year, na i-move siya just before the Holy Week. Ginawa siyang Sabado, March 15. Noong araw siguro, dahil tinatatamaan palagi ng Holy Week, minabuti na kung saan, eto ilagay natin ng ganitong araw. Ang piyesta kasi ay based sa kaarawan ng santo. Ito yung kaarawan ng kamatayan. Bakit kamatayan ? Because when those saints die, they are born in heaven. Basic yun. May nagtatanong, bakit nga ba kamatayan? Ang sabi ko, hindi n‚Äôyo na ipinagdiriwang ang 40 days, meron pang babang luksa, pagkatapos ng babang luksa, mayroon pang death anniversary na ipinagdiriwang. Pag susumahin po talaga, yun yung basic concept.
Inaalala natin sila na kung saan… makapabigay sa atin ng inspirasyon para magakaroon ng gana ang ating pananamapalataya. mayroon tayong sinusundan, mayroon tayong example. Ang ikapaat na Linggo, ang balita ko, ito yung paghihiwalay ng Baras sa Ranay. Last year ipinagdiwang din natin March 19, liberation from Japanses occupation ang town ng Baras. Sana mas maganda yun. Ano ikaapat ng Linggo ng Enero? Bakit nagsasaya? Ano ang basis nun? Wala, nagsaya lang. Masaganang ani? Sige, pasalamat pero hindi fiesta.
Q: Ini-relay n’yo po bang ganitong information kay mayor o sa sinumang official ng munisipyo?
A: Yes, sa lahat sa atin, hindi lang sa aknila
Q: Personally, nakausap nyo ba si mayor?
A: Personally? Hindi na siguro kailangan siya kausapin kasi as a parish priest, siya ay parokyano, nakikinig siya sa announcement. Naturingan lang siya na mayor. Hindi ko naman pinapakialaman ang pamahalaan niya. Wala akong karapatan na magpalit, mag-iba, magbago, pigilan. Ang idinidiin ko, bigyan natin ng diin ang March 19, yung kaarawan ng ating patron.
Q: Would you say na all along, mali ang pagkakaintindi ng mga taga-Baras sa piyesta?
A: Mahirap sabihin na mali. Pero ang itinuturo ko, eto yung katuruan ng simbahan.
Q: Feast po ba ng St. Jerome next week?
A: Oo, makikita mo yun. Sa Pililla, naitama na. Sa Cardona, naitama na rin. Hindi natin alam ang tradisyon. Parang may pagkakamali ata sa tradisyon. May kakulangan sa impormasyon noong araw. Yun nga lang sa tradisyon eh. Bakit nagtatakbuhan ang mga bininyagan matapos ang binyag. Sabi ng matatanda? Ano ang dahilan? Sa pagkain, kapag ikaw ay nahuli, kailangang mong iikot ang pinggan mo? Ano ang batayan? Hindi ka makapag-asawa? Minsan kasi, itinuturo iyon ng matatanda para tayo ay magkaroon ng lesson sa mga mali nating ginagawa, without any other explanation. Alam natin ngayon na may mga basis ang ginagawa natin. May mga batayan. Bakit ka ba naghahabla ng tao? Why do you put cases against people? Kasi may ginawa, kung malakas ang ebidensiya mo. Hindi ka naman pwedeng ikulong basta-basta kung wala kang ebidensiya. Kung sinabi ng simbahan na fourth Sunday, magdiwang kayo, sige fourth Sunday, magdiwang tayo. Pero hindi eh. Ganoon din ang Pasko, kahit anong araw pumatak yun, December 25, Pasko pa rin. Hindi pwedeng yung nearest Sunday. Di pwede yun. So, ewan ko. Siguro, kung meron nakakaalam, kung merong learned, may magtatanong, bakit fourth Sunday ang fiesta ninyo? Di ba ang patron n’yo ay Saint Joseph? Kapag sinabing Saint Joseph, March 19 or May 1 yun. Dalawa lang yun. Bakit dalawa? You have different titles. Just like mama mary, you gave different titles. And these titles, may mga particular date to celebrate.
Q: Kung March 15, ano po yung mga celebration natin?
A: I have to see. Hindi ganoon kasaya o hindi ganoo kabongga because we are on the Lenten season. Tumatapat palagi ang March 19, sa Lenten season. Hindi nartin alam. Hindi naman natin kailangang icelebrate ng bongga. Bigyan natin ng diin, may mga special masses for the celebration, may mga gagawin tayong kasiyahang kaunti.
Q: May mga palaro ba ito…?
A: Tingnan natin. Pag-uusapan sa PPC (Parish Pastoral Council). Ganoon lang iyon. Unti-unti, I myself try to educate. As a pari, hindi lang naman sa sacramentals, we have to teach the people kung ano nga ba yung katotohanan. Ito yung totoo, ito yung aral. I will not mislead the people. Pwede kang magpakain, magpasalamat. Hindi ka magbo-blowout, tara birthday ko sa march, mabblow out ako ngayon, maghahanda ako ngayon. Ano ka sira? Harvest season? Probably noon, maganda ang harvest. There’s no issue on that. Madaming nagpabinyag? Salamat, maraming nagpabinyag. Niyaya ko yung mga tao on educating them. When the youngs would realize, oo nga, bakit nga ba January? Ano nga ba ang basehan?
Q: Are you aware na may survey last 2004 about this?
A: Yun nga eh. Nakakalungkot. Most of the Sangguniang Bayan are church active members. Bakit nagkaganoon? Wala bang nagpaliwanag sa kanila? Saan nila nakuha? They surveyed people? Natural, they are not informed. Ano ang lalabas? Wala eh, nakaugalian na namin eh. Most of them, iyon ang magiging sagot. Ito na yun, nakagisnan na namin. Yung mga mayor, balita ko kapag nag-iba ang mayor, iba ang fiesta.That’s misleading the people. Ano nga ba talaga? Tingnan natin, sino nga ba ang patron natin? Ano ba ang kaarawan ni Saint Joseph, husband of Mary? March 19. Kung yun ay nakita, tiningnan nila, hindi papasok yun. Pinagtibay sa Sanggunian? Ano ang basis nila? Iyon ang gusto ng tao? Okay, iyon ang gusto ng tao, magpasalamat ang bayan pero hindi fiesta. Kapag fiesta ng bayan, dapat may ipinagpi-fiesta, kasi kaarawan ng santo.
Q: Binigyan sila ng options, January, March, May 1 and Dec. 24..
A: Bakit mo ipapasok ang May 1? Siyempre babalik ang tao sa January. Ito ang tradisyon, ito ang nakaugalian, ito lang ang alam nila. Bakit ka magpipiyesta? Ang dapat ibigay mo sa tao ay kung ano ang katotohanan, kung ano ang tama. kung mamimili ka sa multiple choice, talagang may mapipili ka na mali. You are not teaching the truth to the people. Para saan ba yung survey? Kailangan ba nating magsaya? Ano ang basis ng pagsasaya? Nakaugalian na ng tao? Nakaugalian nang maghanda pero ang problem doon, pasalamat. Pero hindi iyon ang fiesta. The word fiesta is pagdiriwang.
Q:Sa Baras, kasi ang definition ng Baras, ay may mga programs. If ever na ang policy ng government ay March, at papatak siya na Holy Week, hindi rin siya magiging masaya.
A: Ang fiesta ay church activity. It’s not a municipal activity. It’s not a local government activity. Pwwde naman maging masaya ng fiesta. Sa March 15 pwede naman tayong magsaya. Pwedeng maglagay ng banda, pwedeng maglagay ng palaro. Kasi on that day, Lenten season is lifted kaya ipinalit ang feast of Saint Joseph.
Naiiwanan na tayo. Natutulad na tayo sa mga Pariseo. nakakalimutan nila kung ano ang dapat gawin. Sa araw ng pamamahinga, bawal kumilos, bawal lumabas. Ang sabi ni Jesus, ano nga ba ang dapat gawin? Gumawa ka ng kabutihan. The gospel on March 15 is according to the kuwento on Saint Joseph. Sa mga feast day, makikita ninyo, iba ang gospel. Binibigyan diin ng simbahan. Ngayon, fourth Sunday, not even a small saint celebrated on this day. Komo ba nakaugalian na, tama? Komo ba nakaugalian na, iyon na ang gagawin natin? Sometimes, you have to align. Kaya siguro, di mo ba napansin, sa pagninilay, bakit parang naiiwanan ang Baras ng dalawang munipality na katabi? Siguro nagtatampo. Ikaw, kapag di ka nabati sa birthday ng mga kaibigan mong malapit, yung mga taong nakapaligid sayo, what would you feel? Bakit hindi nila ako naalala ngayon? And Saint Joseph feels that. Ginawa n’yo akong patron, di n’yo naman ako ipinagsasaya. Hindi n’yo ako ipinagdiriwang. Wala lang, it was a wild imagination, a wild thinking. Naiwanan ng kaunti. Sabi depende daw sa mayor. Yung nakaraang mayor, is a religious mayor also, yung mga nakaraan puro religious mayor. Ang Sangguniang Bayan, are very religious, lay ministers, pero bakit ganoon? Hindi man kami nagkausap ng formal but nagkaroon ng paliwanagan. Ang sabi nila, ang local ordinance, bago ma-amend, after 5 years pa ata iyon. Silent yung munisipyo ngayon.
Q: Nung tinanong ko si Mayor last Tuesday, sabi niya, kesyo may bibilhing lupa for the palengke, yung sa Wawa…
A: Ang balita ko, iyon ang unang target, yung likod na yun, pero hindi nagkaayos. Isipin mo, bakit may mga malalaking establishment? Yung bangko, rural bank? Nasaan yung malalaking bangko? Kasi walang negosyo. Yung magkabila, mayroong Jolibee.
Q: Ano ba ang general sentiment ng PPC?
A: Sentiment? Kapag sinabing sentiment parang sama ng loob. Ano yung reaction nila? Siyempre, hindi sila makakaangal sa akin. pero ipinaliwanag ko, kung ano nga ba yung basis. May basis ako. Bigyan n’yo ako ng basis kung bakit tayo magsasaya on the fourth Sunday of the month. Last week, it was the feast of Sto. Niño. Ang daming lumabas na Sto. Niño. We celebrate, ang ganda ng response. Umambon pa, umulan pa, walang nagtakbuhan, diretso. Kapag may basis ka, paniniwalaan ka. Come on lang yung magbibiugay ako ng regalo sa ayos. May basis tayo kaya tayo nagsasaya. (See the pictures of the Sto. Nino procession here: Part I, Part II.)
Q: How about on May 1?
A: Nagkapaliwanagan kami ni Mayor, di na maalis. It’s Tromba Festival, pero di fiesta. It’s a government way of celebration through the Tromba Festival. It’s an ordinary Sunday. Actually May 1, Saint Joseph pa rin yun, pero di yun ang kapistahan ng parokya natin kasi di iyon ang patron.
Q: Sasama ba kayo sa pagoda?
A: Last year, di ako sumama. Fiesta ng Sitio Malalim. Saint Joseph the Worker sa kanila. Yun ang totoong fiesta. Nagmisa ako, nagbinyag ako. Sila ang may karapatan na magsaya, magpalaro, kasi fiesta nila. Ang maganda, halimba sa Evangelista, maglagay sila ng patron nila. Ang fiesta nila, yung Saint John. Ang patron nila, halimbawa, ang Saint John, June 24.
Q: Parting message to the parisioners?
A: Wala naman. We still have faith in god. Be postive palagi. If we think of negative things, mahihila tayo pababa. God is always there, whatever situation we are in. Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Don’t lose hope. Di ka pababayaan. Sabi nga ng kanta, di ka nag-iisa.
April 11th, 2008 at 8:13 pm
fr.giovanni i really really miz u so much as a friend i hope na mag kikita tau muli kahit malayo ka na i will keep a memories that i have……
May 14th, 2008 at 7:48 pm
no name kunwari ka pa kw din naman ung Arleenn!!!! pa no name no name ka pa!!!!!!! hahahahahahah PARI UN ANO KA BA???????