Vote for mayor, vice mayor and councilors
Posted on December 9, 2009, 11:57 PM under Political SpectrumIf the election will be held while you’re viewing this page, who will you vote? BRO makes an online survey to know who are the favorite bets at this early stage of their candidacy.
Click the link below and it will direct you to a survey form made in Google Docs. Survey will run until January 10, 2010. There are no limits on the number of times for voting. You can also respond to the survey by posting your comments. Do not overvote, or selecting more candidates than what is required. Another survey will be made during the campaign period.

December 10th, 2009 at 3:14 am
wala akong choice. bahala na kayo diyan mga kabayan sa Baras kasi andito pa ako sa states at matatagalan pa bago makauwi. Alam ko marami akong kamag-anak na kandidato pero ‘di ko rin garantiya ang kakayahan nila. GOOD LUCK!
December 10th, 2009 at 6:30 am
PARA SA MAYOR AT KONSEHAL…ALA AKONG MAPILING MATINO-TINO.
KA NATO LLAGAS FOR VICE!
December 10th, 2009 at 9:46 am
If the election was held today i’d vote for the following:
1.Mayor-Dindo
2.Vice Mayor – Nato Llagas
No choices yet for councilors,masyado maga bata,parang pinulot lang sa mga tambayan ang mga iyan.Sa mga incumbents naman,ginagawa naman nilang palabigasan ang munisipyo.wala nang nabalitaan na mga ginawa nila sa bayan.
Ay meron nga pala nagawa,mga kontrata nila sa munisipyo,yung nga pala.
December 10th, 2009 at 3:54 pm
PAG AKO BUMOTO ISA OR DALAWA LNG BOBOTO KO NA KONSEHAL. ALA KC KO MAPILI NA _ _ _ _ _ _ _ _ ‚ô•‚ô•‚ô•
December 10th, 2009 at 6:12 pm
di yata nabubulag kayo di nyo ba napapansin ang pagbabago halos lahat ng sulok may proyekto
nakukumpleto mga gamit ng munisipyo di tulad dati na inaapi ang bayan ngayon nirerespeto at hinahangaan
yung mga binabata nyo ung isa nakapaglingkod na nilimas ang kaban ng bayan yun vice nya wala namang nagawa sa siyam na taon na paglilingkod
December 10th, 2009 at 8:44 pm
wala na bang iba?
me pagpipilian ba?
ang hirap naman ng kalagayan ng mga botante..kelangan isipin ng mabuti ang iboboto ngaun dahil ilang taon din silang maglilingkod (sana) sa bayan. Sana lang, kung sino man yung mahahalal, wag sayangin ang tiwala ng mga bumoto sa kanya.
December 11th, 2009 at 7:14 pm
Mayor – None
Vice Mayor – Undecided
December 12th, 2009 at 3:41 pm
Wala bang mayoral and vice-mayoral debates na ang paguusapan at tatalakayin ay ang mga programa at isyu ng bayan. Dapat ang mga botante ay pumili ng mga kandidato ayon sa kanilang kakayahan na mamahala ng pamahalang Baras. Isama na rin sa usapan ang mga verifiable accomplishments nila tutal dalawang kandidato ay naging alkalde na. Ito ang isang tunay na panuntunan ng right and exercise of suffrage.
December 12th, 2009 at 6:28 pm
kung makakauwi ako before elections si Mayor Robles ang iboboto ko, sa Vice wala pa..Herbert pwde ba makuha email ad mo kasi gusto kong i-invite ka..
December 12th, 2009 at 7:34 pm
Darating tayo dyan.
December 12th, 2009 at 11:53 pm
ung invitation ko hindi kung ano2 lng, 4 baptismal sana kaya lng ayokong i-mention sa site na ito kasi baka mahaluan ng pulitika kasi if ever pa2yag ka politician ang maka2sama mo kya nga gusto ko private cnversation sana.
December 13th, 2009 at 12:20 pm
vote bien junjun angkahan garrovillas para konsehal
BIEN JUNJUN ANGKAHAN GARROVILLAS
December 15th, 2009 at 6:53 pm
alam nyo mga kababayan ang hirap sa atin kahit anong ganda ng ginagawa ng nanunungkulan di pa rin natin maappreciate..di ba dapat pasalamatan natin at napakalaki na ng pinagbago ng bayan natin..minsan lang ako umuwi ng baras pero nakita ko ang difference pagpasok pa lng ng baras..of course aware din ako sa mga nangyayari sa bayan natin..at di ako bulag..pipi..at bingi tulad ng iba dyan…
December 15th, 2009 at 7:01 pm
maraming salamat sa lahat ng nanunungkulan sa kasalukuyan..naway magtuloy2 pa ang inyong pagmamahal sa bayan..go and do ur job..wala sa tamang pag iisip ang mga taong di nakikita ang inyong mga nagawa..GOOD LUCK sa darating na election..
December 15th, 2009 at 7:32 pm
Tama ka diyan kabayang jodie, Maraming KINITA ang mga nakaupo ngayon sa LLDA na 10 Million na inutang at 20 Million para sa computerization daw. Ang masama nito, US immigrant pa ang mayor.
December 16th, 2009 at 11:01 am
eh di kasuhan nyo kung totoo
December 17th, 2009 at 12:29 am
alam ba ninyo na magkumpareng buo yung nagtutunggali para sa bise, ang tanong ay bakit naglaban pa sila, sana pinagbigyan na muna nung isa na makatapos muna ang kumpare nya (kinuha nyang kumpare sa kasal ng anak nya) dahil isang termino na lang, isa pa ay magkasama sila dati sa partido, bakit sya kumalas, GALIT BA siya SA KUMPARE NIYANG VICE?, kung ang kumpare nya ay itinatwa nya, bayan pa kaya?, ganun ba pagkatao ng bagong kakandidatong vice?
December 17th, 2009 at 12:44 am
tama lang ang sinabi ni spillover, kasuhan nyo kung may anomalya ang mga nanunungkulang “corrupt”, kung may nalalaman kayo dalhin nyo sa sandiganmg bayan o sa korte para mapatunayan, diyan lang namin malalaman na nasa ibang bansa kung tutuo ang ibinabalita ninyo, di ba madami naman ang natatangal sa pwesto dahil sa “IMMORAL OR DISHONEST”, so GO TO COURT, kung tutuo ang mga nalalaman nyo. Oh baka naman gawa-gawaan lang yan dahil sa paninira.
December 17th, 2009 at 12:53 am
PARA KAY VICE MAYOR ARMINGOL S. PILAPIL, TATAGAN MO PA ANG LOOB MO, ALAM KO NA MAUNAWAIN KA MABAIT AT MATULUNGIN, UNAWAIN MO NA LANG NA ANG MAKAKATUNGGALI MO AY…AY…AYAW KONG SABIHIN, BAHALA KA NA, BASTA LAGI KANG LALAPIT KAY LORD, ALAM KO NA ISA KANG TAONG SIMBAHAN, MORE POWER TO YOU AND GOOD LUCK, MANANALO KA PA RIN DAHIL ALAM NAMIN DITO NA TAPAT KA SA BAYAN AT DI “CORRUPT”
December 17th, 2009 at 2:43 am
PAYO KO SA MGA KABABAYAN KONG TAGA BARAS…..HUWAG SANA NATING IBOBOTO ANG MGA TAONG NANUNUNGKULAN O MANUNUNGKULAN PA LANG NA NANGONGONTRATA NG PROYEKTO SA GOBYERNO, DAHIL SILA ANG MGA MANGUNGURAKOT SA KABAN NG BAYAN….ALAMIN SANA NINYONG MABUTI KUNG SINU SINO SILA. ANG AATUPAGIN LANG NG KUMAKANDIDATONG YAN AY ANG MANGONTRATA SA GOBYERNO KUNG SAKALING SYA AY MANALO…PAKIUSAP,, HUWAG IBOTO ANG MGA NANGONGOTONG, ESTE, MGA MAGSASAMANTALA SA PANGONGONTRATA SA GOBYERNO O SA PAMAHALAANG LOKAL, MARAMING SALAMAT PO!!!
December 17th, 2009 at 3:23 am
Tinamaan ang R##ES ADMINISTRATION. HEHE
December 17th, 2009 at 8:23 am
Sapol na sapol ang kontratistang mayor na nakaupo!!!
December 17th, 2009 at 5:07 pm
yung susuportahan ni ka Estring Fernandez ng Brgy. Evangelista ang iboboto ko
December 17th, 2009 at 5:09 pm
hindi lahat ng nakaupo ngayon ay nangongontrata meron din ang gumagawa at tumutulong sa sarili nyang bulsa..yon nga lang napapasama pa rin sya kahit gumawa ng mabuti dahil iniisip ng tao basta nakaupo mga corrupt na..hindi naman..pagkatingnan nyong mabuti kung sino sa nakaupo ang walang iba source of income iyun ang nangongontrata..at tama kung may anumalya bkit di nyo ihain ang inyong reklamo..hindi puro usap lang kayo patunayan nyo..lumang issue na yan american citizen si mayor simula pa ng syay tumakbo mayor..ibahin nyo naman..
December 21st, 2009 at 8:51 pm
bkit kya ganun, nung una gstong kumandidato ni pilapil meron daw siyang 2 million, may pera ang mayor sabi nya, saan daw kaya galing iyon gusto rin niya mag mayor magulo yata siya sana magisip matanda na tila batang isip tumanda na sa position wala pa rin alam tiyuhin ko pa man lagi wala sa bahay pero sinilip ko sa looban andun nagvivedeo oke oke lang tiong
December 22nd, 2009 at 4:33 pm
oooooyyyyyyyyyyyyy bote for juvie cawicaan..hehehehe not for alvarez….hahahhahaha
December 24th, 2009 at 6:42 pm
Tsk. Tsk. Tsk.
DAPAT MAG DEBATE SI MAYOR WILLIE AT MAYOR DINDO! MAGKAALAMAN NA KUNG SINO MAS MAY SENSE!
HERBERT, KAILANGAN MAY MAORGANIZE NA DEBATE NG MAYOR AT VICE MAYORAL CANDIDATE. SA HARAP NG BUONG BAYAN! PARA MAKAPILI NG MAIIGI ANG TAONG BAYAN.
LETS ALL BE INFORMED AND EDUCATED VOTERS!!!
Tama ba ako?
December 25th, 2009 at 8:09 pm
NATUWA AKO NANG MALAMAN KO NA TATAKBO PALA ULIT SI KONSEHALA JUVIE.. KAILANGAN TALAGA NG BAYAN ANG MGA TULAD NIYA..BALITA KO KASI DATI PARANG HINDI NA SIYA TATAKBO KASI DATI PA NAMAN,FOR SO MANY YEARS, KAHIT HINDI PA SIYA PULITIKO EH TALAGANG TUMUTULONG NA YAN SA BAYAN SO BAKIT PA SIYA TATAKBO EH NARANASAN NA NIYA ANG HIRAP NG NASA PWESTO… SIGURO TALAGANG HINDI NIYA MAPA-HINDI-AN ANG MGA TAUMBAYAN KAYA TATAKBO SIYA ULIT.. GO! KONSEHALA! ITULOY MO YUNG MGA NASIMULAN MONG PROYEKTO!
PERO NAKAKALUNGKOT NA HINDI TATAKBO SI KONSEHAL MONET… BAKIT KAYA? KAILANGAN DIN SIYA NG BAYAN.. ABAH! EH IYAN LANG ATA ANG KILALA KO NA INAABOT NGA GABI SA OPISINA NIYA SA SANG.BAYAN PARA LANG TAPUSIN ANG MGA GAWAIN..NATAWA NGA AKO NA NAIYAK SA SINABI NIYA NUNG MEETING DE AVANCE NUNG LAST LOCAL ELECTIONS.. KAMING MGA NASA CROWD EH NATOUCH TALAGA.. HINDI NA NAGKA-GF DAHIL SA PAGSISILBI SA BAYAN… HAY! SANA SA SUSUNOD NA ELEKSYON EH TUMAKBO SIYA ULIT… DAPAT MAS MATAAS PA NA POSISYON…. KAYANG -KAYA NIYA YUN!
December 25th, 2009 at 8:39 pm
Parang ikaw si monet ah!! GF? talaga ha!!
December 26th, 2009 at 9:34 pm
di n apwede tumakbo c monet.last term na nya iha
December 27th, 2009 at 9:01 am
Traydor ang tatay niyan!! Tayo pa kaya sa npc ang hindi ihulog niyan. Mga tunay na NPC, ibagsak si garrovillas!!
December 27th, 2009 at 9:08 am
@jhodie; Pwede ba! Utang na loob wag na silang bumalik!! Wasak na wasak na ang bayan sa iskandalo ,drugs, at mga kontratistang mayor, vice mayor at mga konsehal.
December 27th, 2009 at 9:36 am
i would love to hear proof about these accusations.
December 27th, 2009 at 6:22 pm
Soon you will.
December 28th, 2009 at 12:41 am
good morning….merry xmas sa lahat ng ka baranggay naten jan….esp.sa mommy mu…ala pa bang pictures mga candidates naten jan?sana mapasyal ka sa jan.1 sa me court me party dun….thnx…and onething nga pala sana nmn yung sobrang mag salita laban ke mayor sana nmn wag kang masyadong humusga….
December 28th, 2009 at 4:51 am
payo ko lang sa iyo zzzzboom, kung marami kang katanungan sa sarili ay puntahan mo ang sinasabi mong tiyuhin mo, kasi di lang 2 million ang pwedeng ibigay sa kanya ng sumusuporta sa kanya, alam ko dahil nagkakausap kami by phone, kung sa pagkandidato naman sa mayor, hanga ako sa kanya dahil di sya ambisyosyo, kahit alam n ya na kaya na nyang mag mayor ay nanindigan pa rin sya na kapardito at kasamahan nya ang kakalabanin nya, yan ang taong marunong kumilala ng kaibigan at kasama, di balisawsaw, may paninindigan, marami ang nag uudyok pero di napadala. kaya pamangkin kong zzzboom, maghunos dili ka sa sinasabi mo, wala kang nalalaman sa mga sinasabi mo, puntahan mo para malaman mo ang ksagutan sa mga katanungan mo
December 28th, 2009 at 5:02 am
basta sa amin dito, di pa rin matatalo ang partidong malakas, matatag, ang partidong NPC, kaya ko nasabing malakas ay dahil nananalo lahat ng kandidato, hehehehe……MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR TOO ALL OF MY KABABAYAN BARASENIAN, lalung lalu na sa ating butihing Mayor Willie Robles, Vice Mayor Pilapil, coun. Juvie, coun. Monay, Coun. Eman, coun.Ruba, and coun. Monnete(d graduate)
December 28th, 2009 at 8:48 am
@sigurista
Hindi ka sigurista!!
December 28th, 2009 at 8:50 am
@sigurista ulit
Sa totoo lang, hindi niya kayang sabayan ang rematch ni dindo at willy. Yan ang totoo.
December 28th, 2009 at 10:38 am
tanong ko lang, anong nagawa ng mga nabanggit mo na nasa kasalukuyang administrasyon? Meron ba silang mga nagawa para sa aming mga taga-bundok?
December 28th, 2009 at 4:08 pm
ang kailangan ng bayan ng baras ay hindi malakas na partido kundi matino at mahusay na opisyales. aanhin natin ang NPC kung wala naman ginagawa ang mga nga kandidato na kabilang sa kanila. tandaan niyo na tao ang ating binoboto hindi partido.
December 28th, 2009 at 8:47 pm
TUMPAK!!!
December 29th, 2009 at 12:50 am
“A GOOD NAME, LIKE GOODWILL, IS GOT BY MANY ACTIONS AND LOST BY ONE” – LORD JEFFREY
When a man speaks ill of others, give a little lint of courage by at least collateralizing it with the accuser’s identity and not by a pseudonym. You might be destroying the only man’s wealth – good name.
December 30th, 2009 at 5:38 am
nakakalungkot naman, ayokong husgahan sila pero napapaisip ako kung ang mga kumakandidato sa bayan natin ay may kakayahan na pamunuan ang isang munti at mahirap na bayan…come on guys! do you ask yourselves if you’re capable of leading our town towards development and progress? do you have intelligence and innovative ways to make things happen? do really like serving people? or you just like people serving you? and how do you see our town? do you have plans for it? do you see in 10 or 20 years our town will be a first class municipality just like our neighboring towns? (tanay is prime for cityhood! morong is progressing! and baras? is it anywhere near at their level.) you guys should have these questions in mind before you run. the task is too tough for a mediocre man! ang pagiging pinuno ng bayan ay may kaakibat na responsibilidad, talagang malaking responsibilidad, kaya sana po pag-isipan ninyo bago kayo tumakbo…kasi po talagang walang pagpilian…iyo’t iyon din, kaya ang ating bayan ganun pa rin! sana nga mayroon mga debate, o kea yung mga plataporma ng mga kandidato ay nakasulat sa site na to! go BARAS! go!
December 30th, 2009 at 3:28 pm
SA MGA BOTANTE NA TAGA BARAS, BAGO NINYO MULING IHALAL ANG KANDIDATO AY DAPAT SA LOOB NG 3 O 6 NATAONG PANUNUNGKULAN NIYA MAY NAGAWA BA SIYANG MALIIT NA PROYEKTO NA PWEDENG PAGSIMULAN NG PAGUNLAD AT PAGALAW NG ASPETONG PANLIPUNAN AT EKONOMIYA NG BARAS, TULAD NG PAGPAPAGAWA NG BAGONG KALYE, PAG HIHIKAYAT SA MGA MAY ARI NG PALAYAN/LOOBAN/LUPAIN NA MAG DONATE PARA SA PROYEKTONG PANGKALYE. ANG MGA TUNAY NA LIDER PULITIKO AY ISANG REPRESENTANTE NG TAO NA NAGLILINGKOD AT NAGPAPASIMULA NG PAGBABAGO AT NAGBIBIGAY DAAN SA SIGURADONG PAG UNLAD.
SANA ISISPIN NINYO: BAGONG KALYE – DAGDAG PAMAYANAN, DADAG BAHAY, DAGDAG TAO, DAGDAG NEGOSYO, AT MARAMI PANG POTENSYAL SA PAG UNLAD DAHIL MULA SA WA KLASS NA BAYAN ITO ANG SIMULA PARA MAGING NUMERO UNONG BAYAN TAYO. ISA PA LANG TO SA MGA PROYEKTO.
December 30th, 2009 at 3:49 pm
sa mayor wala na bang pagpipilian sige lesser evil is owen o tomong, sa bisemayor si lingling , sa konsehal — talagang wala sorry na lang sa tingin ko gagawin ninyo lang palabigasan ang munisipyo dapat kasi ang uupong konsehal dapat ay may matatag ding trabaho na related sa ating bayan, halimbawa tulad ng magsasaka, mangingisda, may ari ng tindahan, retirado sa pampubliko o pam pribadong kumpanya para hindi takot sa alkalde o bise alkalde kasi sa mga panahong ito wala akong nabalitaan na nakipagdebate o kumontra sa alkalde lahat ay bahag ang buntot. alam ko ng panahaon ni bayani may mga may prinsipyong konsehal na di takot isiwalatang katotohanan. Sayang na mga konsehal dahil dapat mula sa pagiging konsehal pwede kang maging alkalde rin. Sana ang itong iboto ay mga kandidatong may lantay na hangarin maging isang progresibong bayan ang baras. Huwag ang magpapayaman lang sa pwesto tulog naman sa konseho.
December 30th, 2009 at 10:26 pm
Debate!!
December 31st, 2009 at 2:57 am
Haayyyy..may bukas pa ba ang Baras, buti pa ilagay na lang ang Baras as one of barangay in Tanay or Morong..hindi rin lang tayo marunong magpa-unlad sa sarile.
December 31st, 2009 at 4:55 am
tama ka kapatid. naging shabu capital pa tayo nung nakaraang taon. DAPAT HINDI NANGYAYARI YAN SA ISANG MATINONG ADMINISTRASYON. nakakalungkot talaga.
December 31st, 2009 at 6:49 am
narinig ko na pinaguusapan sa munisipyo itong survey na to. tatadtarin daw nila ng pangalan nila itong survey para lumabas na malakas ang line-up ni mayor. hehe.. mukhang ok yung plano nila.
December 31st, 2009 at 4:09 pm
mr.utang na loob,
kung ikaw magbibintang magpakilala at patunayan mo ang lahat na paratang mo and may be i’ll even go home to see your so called proofs,,that’s hamon for you!
December 31st, 2009 at 4:20 pm
alam mo ba ang mga sinasabi mo kung meron kang pruweba na us immigrant si mayor willy ..patunayan mo para mawala na ang ingit mo at maalis siya sa katungkulan ..don’t you think.dindo would have used that then and also edwin…sometimes kababayan bago ka magsalita o magbitiw na paratang sy yung kaya momg panindigan , peace!!
December 31st, 2009 at 4:43 pm
alam mo with your ideas you would have been the greatest candidate the only thing you do not have guts and b lls to let us who you are.
January 1st, 2010 at 7:57 am
PANO MO NMAN NASABI NA NAGING SHABU CAPITAL ANG BARAS….??????
AT SAKA BAKIT MO ISISISI SA MAYOR…EH KUNG YUNG “PDEA” NA NAKATUTOK LANG SA DRUGS HINDI AGAD NATIKTIKAN YUN EH….EH….
January 1st, 2010 at 8:13 am
PARA SA PAGBABAGO!!!
MAYOR: edna owen
VICE MAYOR: waynefred ling-ling yuson
COUNCILOR: ronnie aLvarez
January 1st, 2010 at 8:21 am
No need for a debate coz it’s useLess…
Kahit hindi magsalita o pumalpak ang isang kandidato sa DEBATE eh iboboto pa rin sila ng kanilang mga kamag-anak at kapartido.,yyun ang masakLap pero sabi nga nila MARUMI PULITIKA ..
If you cant beat them…join them!
January 1st, 2010 at 11:42 pm
@magdalow
masyado ka namang bulag!! ganun kalaking shabu factory, hindi alam ng mayor?!! Ha Ha!! May warrant na si robles. Kaya iisplit na lang yan at tatakbo na sa US. Tutal US citizen na siya!!!
January 2nd, 2010 at 6:19 am
Saang court siya may warrant, para kukuha ako ng kopya?
January 2nd, 2010 at 10:17 am
@herbert
Check mo sa PDEA
January 2nd, 2010 at 11:45 pm
ganun..you know so much about this ordeal ng shabu sa baras bakit are u a user or pusher or uto uto ng mga taong walang magawa kundi manira sa mayor ..new year na why don’t you start doing constructive things help yourself overcome your ingit hatred…peace
January 3rd, 2010 at 1:48 am
@explosibo
Pakisagot mo nga kung iLan taon na ba yung shabu lab. na nahuli sa baras?????
Kung kami nga sa military inteL. @ NICA natagalan iverify yung info eh yung mayor pa kaya…..
At saka pag sinabing shabu capital ibig sabihin talamak at bulgaran ang bentahan,bakit dumadayo pa yung mga taga baras na user sa binagonan,tanay at kung minsan sa laguna pa at quezon???????????????????……….???????????
January 3rd, 2010 at 6:33 am
yeah…ate relax ka lang wag mo masyadong intindihin yung mga tao na walang ginawa kundi siraan si mayor…time will come at si mayor pa rin ang winnerrrrrrrrr……talagang ganyan lang ang kampo nila kasi aerly pa lang eh.natatakot na sila baka kung san nnman sila pulutin…..ahahaahhaha….kakatawa mga blog nila ke mayor anu????????katawang kahit andito tayo sa ibang bansa eh ganun pa rin mga kababayan naten di nila pahalagahan ang effort na nagagawa ng mayor……hay naku pano ba uunlad ang bayan naten kung puro sira na lng ke mayor ang gagawin ng maraming tao jan…..
January 3rd, 2010 at 8:00 am
Eh nasa ibang bansa ka pala kabayan eh!!! Kaya d mo alam ang panggagahaman at pangngurakot ni willy robles!
January 3rd, 2010 at 8:04 am
Nasa abroad ka kabayan!!! Hindi mo alam ang laman ng mga nangyayari dito. Malaking shabu factory ang nahuli ng PDEA na worth 1Billion ang halaga ng shabu na nakuha! Hindi imbento ito.
January 3rd, 2010 at 8:08 am
Eh mahina intel niyo! Yung mayor na may ginagawa o talagang serioso sa kampanya laban sa droga, walang duda na matitiktikan agad yan dahil nasa bakuran niya. Kung may proteksiyon, ibang usapan yun!!
January 3rd, 2010 at 8:10 am
At tsaka, kilala mo na pala yung user, eh bakit di niyo hulihin!!
January 3rd, 2010 at 8:21 am
BAKIT WALANG MABILING SHABU YUNG MGA BATA NAMIN DYAN SA BARAS?
DAPAT MABENTA NA YUN KUNG TOTOO SINASABI MO KASI KAILANGAN NA NG CAMPAIGN FUNDS NGAYON….
AT SAKA HINDI NAMIN TRABAHO YUNG MANGHULI….WAG KANG MAG-ALALA ORAS NA PUMASOK ANG PANGALAN MO SA RECON,,,IBIBILIN KITA SA MGA MISTAH KO.
MALAKI PAKINABANG NILA SAYO KASI MARAMI KANG ALAM….
January 3rd, 2010 at 8:26 am
AT ALAM MO BA NA KAHIT YUNG PDEA AY HINDI SIGURADONG SHABU LAB. NGA YUNG NASA BARAS…..
ILANG ARAW PA ANG LUMIPAS PAGKATAPOS NUNG RAID NILA BAGO ISAPUBLIKO AT IPAALAM NG PDEA ITO SA MEDIA….
January 3rd, 2010 at 9:17 am
magpakilala ka para malaman ko ang iyong credibilidad..pulos ka ngalngal eh di pahuli mo si mayor at ng lumabas ang mga totoo at kung totoo yan sinasabi sasamahan kita sa layunin pero kung pulos bintang ka lang at walang ginagawa ewan ko sa iyo . wala man ako dyan updated ako sa mga news sa bayan 35 yrs akong away from may beloved birth town but that does’nt mean wala akong alam sa mga nangyayari .. gahaman si mayor willy? patunayan mo!!
January 3rd, 2010 at 9:57 am
to mykabayan explosibo..it looks like you wouldnot come out kung sino ka.pero i could tellyou love baras just like i do and most of other barasenians however, kundi di mo kakasuhan si mayor wala mangyayari so for the time being help our kababayans keep baras clean and peaceful..tapos by may 2010 sa election tsaka kayo gumawa ng paraan para mawala sa katungkulan si mayor but for now your ying yang yang yung asngaw will not take the power away from my MAYOR WILLY!!! good luck..see you in may.
January 3rd, 2010 at 1:06 pm
Wala ka nga talagang alam kabayan! Gahaman sa kurakot at laman si robles.marami ng winasak na tahanan,sabi nga sa isang kanta! drug lord pa.Siya nga pala kung hindi immigrant o citizen si robles isa lang dapat niyang ipakita, yung B1/B2 Visitor’s visa niya. E d tapos ang issue. Kung wala,isa lang ibig sabihin immigrant o citizen siya.Ayos ba kabayan!
January 3rd, 2010 at 5:57 pm
FYI when mayor willy and mayor ng morong came to the states for manny pac fight i flew from chicago to los angeles to meet him,,it took them 2hrs to get out of immigration dahil ang status nila a visitors..it’s obvious that you do not know your claim…gusto makita ang kanyang passport? kasuhan mo siya at ng magkaroon ka ng opportunity makita at for once matapos ang issue na yan. and also ay di sana nagamit na yan padrino mo noon….sabi mo wala akong alam ay daig pa kita kasi nakita na ang passport ni mayor willy..so man..know your facts!! drug lord ang bigat na paratang yan kasi kung malaman yung identity mo pwede kang kasuhan kaya maghanda ka ng mga supporting documents mo,
January 3rd, 2010 at 6:30 pm
Ang dapat kasuhan ay yung mayor na kung saan nasa tabi niya lang yung nahuling shabu factory kunwari’y walang kinalaman. Imposible!! Dapat din kasuhan yung US citizen na umuupong mayor. Yan ang dapat!! Di ba kabayan?
January 3rd, 2010 at 6:34 pm
Siya nga pala, sa bibig talaga nahuhuli ang isda. Mayaman na pala si willy robles at kayang magbayad ng pamasahe at napakamahal na tiket ng laban ni pacquiao!! Kung di kaya siya nakaupong mayor, can afford kaya siyang magpunta sa US para manuod ng laban ni pacman?
January 3rd, 2010 at 6:45 pm
D yata magandang halimbawa yun sa mga kababayan nating naghihirap at walang makain, na ang kanilang punong bayan na alam naman nilang salat din sa buhay bago mag mayor na gumasta ng malaking salapi para lamang manuod ng laban ni pacman sa America. Tama ba ako kabayan?! Gumagaya pa siya kay chavit at ynares na sadyang mayayaman naman kaya ok lang manuod. Eh siya, nag mayor lang arteng mayaman na! Di ba social climber ang tawag dun?!
January 3rd, 2010 at 6:53 pm
oo naman kahit’ikaw kayang pamasahe magtrabaho ka, tsaka don’t insult ang kakayanan ng mga kaanak at magulang ni mayor willy dito..iyan ang mali sa yo bakit kailangan maliitin mo ang mga bulsa ng kaanak nya dito.. why don’t you run against him ? us citizen? do you know the us immigration law? ok ang kulit mo eh.ikaw itong walang alam. tsaka.. later na nga time to go sleep.
January 4th, 2010 at 12:55 am
@explosibo
Ang maganda nyan kabayan magtanim ka ng mga spy sa loob ng kampo nung mayor natin para naman may substance at laman yung mga tirada mo.Para kasing “ipa” lang yung tirada mo,walang laman…..
Alam mo ba na sagot ni ynarez @ skyline ang mga pamasahe nung lahat ng mayor pati bokal na nanuod duon sa laban ni paquiao.(hula ko lang to ha)
January 4th, 2010 at 3:34 am
alam mo bata pa ko ng umalis ako ng pilipinas but i have good memory..my parents and sina ka zoi and ka dulia were good friends together with dr.golla.joe digma.ka herman,tata islaw ,vice llagas ..i rememeber ang barkada nila always nag out of town for fun..masaya..then my father migrate sa states..ff by zoi pero never kong na recall ng salat sa buhay ang mga magulang ni mayor willy…at ngayon dito sa america pag masipag ka kaya mong kainin at bilhin ang ang karangyaan..at mga kaanak ni mayor ayos ang buhay at negosyo..dito keep this discussion within tolerable kasi nanglalait ka na ng kakayahan ng bulsa..alam mo ba na yung anak ni mayor na si kenneth has a good earning stable job with the us govt?..at alam mo si mayor willy marunong makisama sa ibang tao ..kung wla iyang pamasahe paPUNTA rito kahit ako pwede ko syang bigyan. ganun kasi makisama yan..i do not have anything to gain.. Ako ang US citizen.
January 4th, 2010 at 7:04 am
Ah, eh di sinasabi mong tama and manuod ng laban ni pacman si robles kahit maraming naghihirap sa Baras? Anong laban ni pacman ang sinasabi mo? Lahat ba? Barrera, Marquez,Morales, Hatton, Cotto? Talagang nag paka chavit at ynares na siya!!Laman pa ng malalaking derby ng sabong ala chavit at ynares na rin!! Hindi siya ganyan bago mag mayor. Oh baka sabihin mong hindi na naman eh nanjan ka sa America. Bulag na bilag ka kabayan.Hahahhaa!!! Kaya talong talo na siya dito sa amin sa bundok!!
January 4th, 2010 at 8:06 am
hindi lahat na laban ni pac ay napanood ni mayor at kung napanood man niya at ang gastos ay hindi galing sa kaban ng bayan eh that ‘s his choice kung gastusin nya ang kaniyang pera o pera ni ynares or ng mga anak niya rito. as far as talo na sya dyan sa bundok eh malaman natin sa may sana magpakilala ka na para alam ko kung sino ang aking kakantsawan ,,,ano who are you MR explosibo?
January 4th, 2010 at 8:23 am
@explosives
pano mo nman nasabing talo na si robLes dyan sa bundok???????….eh hindi ka naman taga dyan!!!!!
ako pa lokohin mo!!!!…w t f
happy three kings!!!!!
peace…. brother!!!!!
January 4th, 2010 at 8:40 am
Secret! Sa May mo na lang malalaman pag kantsawan na. Sigurado kang hindi kaban ng bayan? Eh numero unong contratista yang mayor mo!! Sa laban naman ni pacman, kailan yung nagkita kayo sa chicago? Ikaw na rin ang nagsabi na lahat ng pamilya ni robles ay nasa america na at nasa gobyerno pa. D kaya’t mahirap paniwalaan na hindi siya pinitisyon ng kanyang mga magulang? o di kaya’y kapatid o anak?
January 4th, 2010 at 8:51 am
Bakit panay ang proteksyon mo k robles? Nasa military ka pa naman. D ba’t dapat kakampi ka ng mamamyan katulad ko na gustong isuka ang droga sa baras? Baka kasama kanya? D kaya? D ba’t d kayo dapat mamulitika o makialam man lang sa usapang pulitika?!! Taga Baras ka ba? O bata ka ni robles na taga labas?!
January 4th, 2010 at 9:00 am
Protektor ka ng mayor ha!! mapaimbistigahan ka nga!!
January 4th, 2010 at 10:28 am
read my post again…i did not say nagkita kami sa chicago…read oo i’m sure i told you i waited for 2hrs because of their visitors visa together with mayor ng morong and i did see his passport ngayon mga pamilya narito sa america but you know it’s his choice kung gusto niyang magstay sa baras…or take their petition. mas ginusto nyang ang buhay sa baras and that’s his right… so ngayon kasuhan mo para maalis siya sa position lagi mong pinagpipilitan ang alam mo na WALA pruweba.
January 4th, 2010 at 11:43 am
@CAROL
Makasingit nga. Kayong dalawa na lang ang nagtatalo. Simple lang yan. pa xerox siya ng visa niya.Tapos an issue.
January 4th, 2010 at 12:30 pm
to rizalwagpaloloko
alam mo ask mayor ,go to his office and ask for it or take him to court and i’m pretty sure sisipot yun with his evidence…kayo ang mag demand sa thru korte para matapos hindi ko makuha xerox ang passport nya narito ko sa chicago nariyan ka sa baras at nariyan din si mayor bakit di ninyo siya harapin sa office o sa korte…
January 4th, 2010 at 3:13 pm
bakit hindi nyo dalhin sa korte kung tingin nyo may sala si mayor putak kayo ng putak para kayong manok na nangingitlog at tsaka mukhang pera lang habol ng mga kalaban naghintay pa ng downpayment bago kumandidato pera lang yata habol ng mga kandidato nyo walang paghahanda
January 5th, 2010 at 7:55 am
Alam naman po siguro dito sa website na ito na ako po ay maka DINDO. Ang tinutukoy niyo po na naghihintay ng downpayment ay ang mga kandidato ng Aksyon Demokratiko, yan po ang ticket ni cuerpo sa baras na sina ka villa at ang kanyang mga kasama, na hindi ko po kinakikitaan ng pagasang manalo dahil nga po sa inyong nabanggit.Naghahanap buhay lang po sila. Si Mayor Dindo po ay may pansariling kakayahan pinanciyal para lumaban sa electiong ito at suportahan ang kanyang mga kasama sa tiket.Siya rin po ay suportado ng administrasyong Lakas-Kampi-CMD. Handang handa po kami ngayon upang bawiin ang munisipyo.At sa akin tingin po ay hindi malayo na magkatotoo ito. Nakita naman po iyan sa survey ng website na ito, na iwan na iwan si mayor willy sampu ng kanyang tiket. Lahat ng Lakas ay ang nakakaangat. Sabi po nila ay survey lang po ito. Ang tanong ko lang po, bakit po sa kahit sa survey lang ay iniwan ang nakaupong mayor. Hindi po ganyan siguro ang magiging resulta niyan kung maganda ang ginanawa para sa bayan ni mayor willy, ni vice pilapil at mga konsehal na nakaupo. Alam niyo po, sa akin lang, magiging maganda and administrasyon ng Baras kung si Mayor Dindo at Konsehal Nato ang manalo. Parehong may dalang talino, dangal,vision at kakayahang para mamuno. Sa akin lang po ito.
Tungkol po naman sa mga acusasyon k mayor willy,ito lang po ay personal kong opinyon, ang lagi pong sagot ng mga guilty sa isang pagbibintang, ay ang ganyan po, dalhin po sa husgado, kung saan lahat po ng teknikalidad ay umiiral para tabunan ang katotohanan. Yun lang po.
January 5th, 2010 at 8:20 am
WAG MO NA KONG TAKUTIN…..
MATAGAL NA KONG TAKOT…
BAKA MAPANAGINIPAN PA KITA!!!
January 5th, 2010 at 9:16 am
>>>expLosives
Hindi ko nman pinoproteksyonan si robLes,,,pinupuna ko lang yung mga pahayag mo dahiL maraming inconsistencies,,, pinoproteksyunan ko Lang ang iba Laban sa mga propagandista at mapaglinlang…
WaLa na ko ngayun sa military at tama ka hindi dapat makiaLam ang militar,,pero bakit ba sina esperon at iba pang mga generaL sa “heLLo garci” eh nakiaLam???…NASAAN KA NUN?…MAY NAGAWA KA BA???
WaLa nmang droga dyan sa baras ah…(waLang mabiLhan)…meron ba taLaga???NiLoLoko mo lang yata ako eh?!?…
OO,taga Rito ako…baras citizen ang nanay at tatay ko,,,AT IPINAGMAMALAKI KONG TAGA BARAS AKO!!!Baka ikaw ang taga Labas,,,niLiLito mo ang mga tao…
MAGPAKITA KA NG EBIDENSYA AT SUPORTAHAN KITA!!!
January 5th, 2010 at 2:00 pm
I go for Mayor Dindo and his team..especially Gel Garciano…coz i know for sure that she has a genuine heart to serve and improve Baras …beautiful person inside and out..that is the most important factor of a servant …Go Gel
January 5th, 2010 at 3:14 pm
r u sure??? tanong lang kasi nd ko cya kilala eh name at itsura lng nya alam ko, ‚ô•‚ô•‚ô•
January 5th, 2010 at 4:29 pm
im sure lalabas ang clean intentions niya when campaign starts..truth always comes out naman..:) no hidden agenda but to serve
January 5th, 2010 at 6:35 pm
kane- makasabat nga ang sabi mo ay naghahanap buhay lang silang mga aksyon bakit si dindo di ba naghahanapbuhay din? di ba sanggang diket sila ni dindo anong nangyari, ganoon din si benny at dindo ay partner, si ner at dindo at magkatiket din ulit anong nagyari naghiwalay na anong nagyari, bakit parang nilalayuan nila si dindo ng mga alipores dati, paki linaw nga kane at baka magbago ang isip ko sa pagboto sa atin maramirami rin akong mga tauhan na taga baras na nabigyan ko ng trabaho malay mo si dindo ang iboto ko di ba sayang din ung boto ko na pwedeng makaimpluwensya ng mahigit kumulang 50 pamilya sa aferrera, bundok, mabini at pinugay . ang balak ko kasing iboto ay si tomong at lingling, para may mabilang naman na mga 50 boto sila. sa konsehal eh wala sorry na lang.
January 5th, 2010 at 7:21 pm
Alam niyo po, ganyan talaga ang pulitika, ngayon ay kasama mo, maya maya’y kalaban.Normal lang po iyan. Tingnan niyo po si Vice Mayor Jun Evangelista, dating mortal na kalaban ni Mayor Dindo, ngayon ay kasama at Chairman pa ng Lakas sa Baras. Ang alam ko lang po, si konsehal benny ay hindi humiwalay kay Mayor Dindo. Siya po ay lumipat sa npc sa pagaakala na sa national na ang takbo ni mayor dindo.Naka komit na po siya sa npc kaya ganun.Hindi po makakahiwalay si Konsehal Benny, sa laki ng utang na loob kay Mayor Dindo.Kayo na po ang magtanong sa kanya. Si Ner po naman ay kasama pa rin ni Mayor Dindo. Sabi po sa akin ni Ka Irma, si Kons.Ner ang Chairman ng Lakas sa Santiago at solid na solid po ang Constantino kay Mayor Dindo. Kung matatandaan niyo po, noong 2001, si Vice Villa po ay natalo sa re-election. Dindo-Willy po ang nanalo nuon.Marami po siyang pinautang na mga maaanghang na salita nuon sa mga sumuporta sa kaniya na pinagdudahan niya. At isa na po diyan ay si Kons. Benny. Pinagbintangan ni Vice Villa ang mga maka Dindo at si Mayor na rin na nilaglag siya. Wala naman pong katotohanan yun. Kaya po may dahilan talagang labanan ni villa si Mayor Dindo. Sa hanap buhay po naman, marami po sa mga kasamahan ni Mayor Dindo ang nakakaalam na siya ay may matatag na consultancy, at consultant din ni Speaker Nograles. Sabi rin po ng isang niyang tauhan na kinausap ko bago ko po isulat ang blog na ito, na pagkatapos niyang tapusin ang kanyang MPA degree sa UP, siya ngayon ay isang Ph.D. student sa La Salle. Yun lang po.
January 5th, 2010 at 7:55 pm
kawawa naman mga konsehal na tatakbo ala boboto sa kanila ala ata may tiwala sakanila hahahahha!!‚ô•‚ô•‚ô•
January 5th, 2010 at 8:11 pm
yan ang tunay na kulay ng pulitika walang permanenteng kaibigan o kaaway kundi ang permanenteng interes na kumita habang naglilingkod o maglingkod habang kumikita. parang gusto ko ng iboto si dindo ah sa halip na si tomong o owen.
bihira ang tao na pala aral sa ngayon, may masters na nagdodoctorate pa aba pang senador ang kwalipikasyon ni dindo talo niya si jinggoy, kung abugado lang si dindo ay de kampana ang kalibre niya.
salamat kane hamo pagiisipan ko bagamat ako ay nasa ibayong dagat ay regular akong botante ng nayon ng santiago, bayan ng baras, lalwigan ng rizal, presinto 7A at numero 25 sa talaan ng nakaraang halalan noong Mayo 2007, wala akong binoto sa lokal noon senador lang si nonoy at escudero. baka sa mayo 2010 ay masamahan ng alkalde at bise alkalde na maipagmamalaki rin naman na may pinag aralan.
January 5th, 2010 at 8:23 pm
hinde ba itong Baras Rizal Online ay sinimulan nung panunungkulan ni mayor robles? bulag kasi kau eh LOLZ!
January 5th, 2010 at 8:25 pm
buti pa ung mga hindi taga Baras, may nappansin na improvements.. ung mga “angalers” naman dito, syempre umaangal lang.. as if naman kung hindi ginawa tong Baras Rizal Online ni mayor robles, makaka pag porum ba kayu? wenk wenk talga mga wlang alam
January 5th, 2010 at 8:32 pm
Maraming Salamat po
January 5th, 2010 at 10:31 pm
whether there is mayor robles or not, there is baras rizal online. the mayor, or whoever aside from me, has no control on the contents of this site.
January 6th, 2010 at 4:17 am
bakit kailangan pang spy ay halos buong bansa yata ay alam na ang tungkol sa Shabu factory sa Baras. Hindi ko alam kung sino dapat bigyan ng issue dito.
January 6th, 2010 at 4:29 am
SI DINDO na nga ba ang taong may talento at may pag-asang mag-angat ng bayan ng Baras? Kamag-anak ko si Willy pero sa dami ng kasiraan sa kanya at sa takbo ng Baras ngayon at dapat na siguro siyang palitan.
Dapat lang na piliin ng bayan ang nararapat at huwag padala sa kama-kamag-anak. Ang bayan ng Baras ang dapat makinabang at hindi ang kamag-anak o kapamilya.
January 6th, 2010 at 4:41 am
Magandang background ni Dindo..Dapat lang na idagdag pa niya ang bukas na loob na paninilbihan sa bayan na walang halong pangurakot. (pwedeng kumupit wag lang bulgar basta’t umasenso lang ang Baras). Kahit naman sinong pulitiko kumikita at nagkakapera sa pagsilbi sa gobyerno as compensation. Just make sure he is doing his job and make improvement to his town. (not abusing his power)
January 6th, 2010 at 4:44 am
Thanks for having this website brother herbert.
This is very informative. Mabuhay ka!!!
January 6th, 2010 at 6:30 am
naniniwala ako dito. pero hindi ibig sabihin nito ay wala na tayong tendency na maging biased.
January 6th, 2010 at 6:58 am
Pwede namang maging biased ng walang kumukontrol db? pero salamat herbert sa blog
January 6th, 2010 at 7:46 am
kapartido ko yang si willy, kaya kilala ko ang abot ng alam niyan. Hinding hindi abot ng isip niya ang wifi man o website. Sa totoo lang! Hindi pag insulto ito, sa totoo lang.
January 6th, 2010 at 8:11 am
Nakahihiya mang sabihin dahil kapartido ko nga, sa dami ng iskandalo at kasiraan ni willy, dapat nga siyang palitan na. Matagal na akong lumalaban kay dindo, pero ngayon sa tingin ko dapat lang bigyan siyang muli ng pagkakataong iangat at pagsilbihan ang bayan. Inabuso na kasi ni willy ang pagiging mayor, dahil kala niya wala ng lalaban sa kaniya. Sorry kapartido at kamaganak na willy, Dindo kami lahat ngayon!
January 6th, 2010 at 2:06 pm
dati walang mainum na tubig ngayon may mura at maasahang tubig dati walang bumbero ngayon 2 pa dati walang sasakyan at pangit ang himpilan ang pulis ngayon 5 na sasakyan at may bagong himpilan dati ang pangit ang munisipyo ngayon bago at maganda na dati walang high school sa pinugay ngayon meron na dati pinagtatawanan ang bayan ngayon nirerespeto na ng mga karatig bayan ilan pa lang yan sa mga nagawa ni mayor willy bakit nagawa ang wifi at ang pagsuporta sa website kung hindi arok ni mayor willy ang mga bagay na yan subok na si dindo walang nangyari sa bayan niloko pa nya ang mga tao sa pagpapangap niyang abogado mahirap na paniwalaan ang buluan
January 6th, 2010 at 2:32 pm
bulag na lang ang magsasabi na walang nagawa ang administrasyong robles, mura, maayos, naiinum na tubig, mga bagong paaralan, pagpapaluwag ng ilog, bagong himpilan at sasakayan ng pulis, bagong truck ng bumbero, magandang munisipyo na may libreng wifi, pagcocomputerize ng munisipyo, ilan lamang yan sa mga proyekto naisakatuparan ni mayor willy, si dindo ay subok na walang nagawa nilimas pa ang kaban ng bayan,niloko pa ang tao sa pagapapanggap niya bilang abogado, paano mo papaniwalaan ang bulaan, di ba ang bulaan ay kapatid ng magnanakaw
January 6th, 2010 at 6:42 pm
spillover
Hindi Bulag ang tao. Gising na!! pati sa npc wala ng suporta si willy. Lumang tugtugin na yang hindi abogado si dindo. Kumita na yan. Hindi yan ang issue. Ang issue ay ang hindi nagawa ng partido npc at yan ay ang gumawa ng paraan para magkaroon ng basic services sa taong bayan para maiangat ang pamumuhay nito. Tandaan natin ANIM na taong nakaupo si willy!Walang nangyaru. Yang tubig, kahit sinong mayor gagawain yan dahil yan ay proyekto ng maynilad. Kumita pa nga si dr.natignas diyan!! yang mga sasakyan at bumbero, bigay ng kapitolyo yan, Project ni ynares yan. Computerize ng munisipyo eh kumita lang si willy diyan pati mga konsehal na kapanalig niya, pati na rin si vice pilapil.20 Million na Utang yan!Hindi kailangan yan! Hindi proyekto yan.Kita yan! Wag na nga kayong magpanggap!! Kailangan nang palitan si willy at si pilapil at magkaroon ng bagong konseho! At higit sa lahat, napakaraming iskandalo at kamalasan ang inabot ng bayan sa anim na taong pagupo ni willy. patayan, shabu, taguan ng mga kriminal, moralidad, wasakan ng pamilya! Yan ang issue!!
January 6th, 2010 at 6:49 pm
Maliwanag ang survey ng website na ito.Tambalang administrasyong Dindo-Nato at panglahatang pagpapalit ng mga kawani ng konseho ang sigaw ng bayan! Yan ang tugon sa mga nagsamantala sa bayan. ALIS DIYAN WILLY!!!
January 6th, 2010 at 6:56 pm
Siya nga pala, pati relief goods na mga bigas at mga dilata, naitabi sa isang warehouse at gagamitin sa eleksyon! Wala talagang malasakit ang konsensiya ang nakaupo ngayon! Palitan na! Sobra na!
January 7th, 2010 at 11:05 am
ako aykan ni dr matignas for your information wala kaming kita sa manila water sila ay umuupa sa aming lupa at ang bayad na upa a libre water supply sa aming ospital iyun lang gaano na ang gamit sa isang buwan..ikaw bago ka magsalita iyung isipin mabuti. sa aming bakuran magpipinsan may supply silang water pero bumabayad kami.. so iyung alamin muna bago ka magsalita.
January 7th, 2010 at 11:32 am
hi s nga tga baras…vote wisely not moneyly…
January 7th, 2010 at 11:39 am
para wlang huluhan vote straight po tayo…wla ng siraan pra umasenso nman tayo khit konte…
January 8th, 2010 at 3:22 am
uyy… defensive.
hehe
January 8th, 2010 at 8:24 am
>>>npc
Wag kang pakasiguro at sanay wag kayong mana^ya dahiL sa survey na nangyari ay pwedeng bumoto ang isang blogger ng kahit iLang beses…para sayong kaalaman 5 beses kong ibinoto sa survey si jumong at Ling-Ling….
January 8th, 2010 at 8:54 am
tama, akala ko sila mayor lang ang may alam. napagutusan lang din ako nila mayor willie na iboto sila ng mangilang ulit eh.
hehe.. sana pala dinamihan ko pa ng boto si mayor.
anyway, congrats sa mga nanalo. mukhang malakas nga kayo gaya ng nararamdaman ko
January 8th, 2010 at 5:14 pm
Kahit nga ganun yung survey, eh wala pa ring nagtiyagang iboto sila!! Sawa na,bistado na!! Alis Diyan!!
February 23rd, 2010 at 1:25 pm
UTANGNALOOB magsulat ka lang ng isa sa kinontratang kapalpakan nila maniniwala ako sa’yo pero kung wala naman eh tumigil ka ng paninira mo, para wala kang kagalit bago ka kuhanin ng nasa taas HA HA HA HAAAAAAA…
February 23rd, 2010 at 1:30 pm
TAMA
February 23rd, 2010 at 2:04 pm
bakit masyado kang galit kay mayor may kasalanan b sya sa yo kabayan and wag mo naman kaming maliitin nanasa abroad dahil kahit paano anak pa rin kami ng BAYAN ng BARAS K. Concern lang d me nakikipag away. GUD DAY.
February 23rd, 2010 at 6:51 pm
Mayor : pwede na si Villa o Owen
Vice Mayor : Yuson o Nato
Konshal : Wala sorry, dapat kasi sa konsehal ay mga representative ng magsasaka, mangingisda, magkakaingin, magpruprutas, mag gugulay, tindera sa palengke, may maliit na negosyo, retirado mula sa private at gobyernong opisina. Hindi yung mga naka line up na halos mahigit 5 taon ( yung iba nga panahon pa ni Bayani andiyan pa rin ) nang nanunungkulan ay wala rin naman o yung mga bagito na mukhang gagawin lang palabigasan ang konseho, yung kabataan naman na yan ay may tinig na kayo sa konseho ung SK Pres.