Show of force by Robles, et.al

Posted on December 4, 2009, 1:17 AM under Political Spectrum Your Ad Here

If former mayor Dionisio Donato Garciano filed his certificate of candidacy without any spectacle, incumbent Mayor Wilfredo Robles and his companions hired bands, brought people from the upper lands, and used government facilities and vehicles in what can be said as a show of force for their opponents.


Ramon Matignas Jr., Armingol Pilapil Jr., Jovita Cawicaan, Romulo Diñozo, Wilfredo Robles, Alfredo Ruba, Mario Mendoza, Emmanuel Olaño, Bien Garovillas, Vergil Robles and Amado Golla

Robles et. al beat the 5 PM deadline last November 30 when they filed their COCs. Before that, there was a parade that started from Barangay Evangelista. Barangay captains and their respective multicabs joined the parade, flaunting banners of support to the candidates. After the politicians filed their COCs, a short program was held in the municipal grounds. Each candidate showed their COC and thanked their supporters in their speech that didn’t last for more than five minutes.

Free snacks composed of sandwiches, bottled water and juice were distributed in each barangay.

Your Ad Here

36 Responses to “Show of force by Robles, et.al”

  1. botanteng_dukha Says:

    mukha yatang palakasan ang labanan. sana pag-isipan ng bayan ang tunay na karapat-dapat. huwag padala sa lakasan at lagayan. isang karapatan at kapangyarihan ng bawat mamayan ay ang tamang pag-boto.

  2. EDGYWEGDY Says:

    Sana hindi ito case ng form without substance. Minsan mas maganda na yung simple at payak at wala masyadong ingay. Maaga pa masyado. Good luck to the candidates.

  3. ursula Says:

    walang lubos na nakakaalam ng tunay na pangangailangan ng mga taga Baras kung di silang mga botante.Habang di natututo sa mga karanasan mauuulit at mauulit ang kasaysayan. Nabasa ko minsan wala sa kulay wala sa hugis at kinang. Ang isang munting ilaw ng tamang pag boto ay lalagablab sa tagumpay pag samasamang sisindihan.

  4. Abnonoy Says:

    tumpak Ka Ursula ang yong tinuran ang dapat nating isa katuparan; ang iboto natin ay ang may ambisyong iangat ang antas na kinalalagyan ng baras.
    umpisahan natin sa pagboto ng mga bago at mga taong magbabago ng ating bayan, wag ang mga ganid na politiko na ilang taon ng nakaupo at nannunungkulan simula pa noong panahon ni makoy ay wala man lang naimbag sa pag unlad ng bayan at ang mga walng kakwenta kwenta na nagbabalik pwesto na di na dapat iboto at manalo

  5. botanteng_dukha Says:

    …nagbabalik pwesto, may tinutukoy ka kaibigan.

  6. EDGYWEGDY Says:

    Tama kayo. Dapat may direksyon ang baras. May planong inihahayag o roadmap. Dapat may pinagaralan din sa governance ang mauupo.

  7. sino ba? Says:

    parang si Joseph Estrada na naging presidente na at wala namang nagawa, eh uulit uli sa pagkandidato. siguro akala niya popularity contest ang pag kandidato. ang mga inosente na mang mga tao ay boto ng boto kahit hindi alam ang ginagawa nila, madali kasing mabola ang isip at dahil sa mga lagay.

  8. EDGYWEGDY Says:

    Oops. Baka matamaan ang nakaupo. LOL.

  9. valeriano Says:

    tama ka edgywedgy.Di mo ba alam na si ager valdez ay wala na sa munisipyo bilang municipal administrator?siya pa naman ang nagsimula ng sinasabi ng administrasyon ngayon na main thrust nila ay organic farming.sayang ang kanyang kakayahan para dito.bakit kaya nag resign si ager?may backroom deal ba? dahil may mga nasasagasaan?o di sila magkita eye to eye sa mga polisiya ni mayor?ating pag-isipan.alam ko mag pinsan buo sila ni mayor.Sayang.malaking kawalan sa administrasyon ito.

  10. faizan Says:

    dapat piliin natin yong karapat dapat na ihalal,yong matalino,my prinsipyo sa buhay at hindi nagpapagamit sa tiwaling opisyal gobyerno.

  11. magdalow Says:

    taMa Lang yUn…..para magkaaLaman na agAd!!!!

  12. Nicole Buenaventura Says:

    thx valeriano sa magandang comment sa k ager valdez. sa dinami-dami ng tao na naging kasama nia sa munisipyo wala man lang nagcomment ng maganda ang magawa nia sa administrasyon ni mayor. mas may magawa pa nga siguro siya sa panahon na nasa serbisyo siya kesa sa mga tao na makapaligid kay mayor.

  13. emma Says:

    kung wala kang magawa sa buhay mo wag kang gumamit ng pangalan ng may pangalan at sa paninira mo pa gagamitin. gumamit ka ng sarili mong identity. tnx

  14. spillover Says:

    malaki ang inangat ng baras mula ng umupo si mayor robles may sinusunod kasing plano yung comprehensive land use plan kaya unti unti naiaangat ang bayan ang lahat walang bara bara dito

  15. rizalwagpaloloko Says:

    Talaga ha!!

  16. pedrong barasenyo Says:

    not that much buddy! we can say there was, not enough though! organic farming? nice idea…but think big, I mean if you do organic farming put in your mind that it should be something that could be exported to other countries, right? kung talong na kakapirot, sitaw na payat, upong ewan..di ba? hello? wake up…wala ding mangyayari…meron naman tayong mangahan sa bundok, farm them organically, get support from government, then export them to other countries…ganun dapat ang gawin…isa pa ung basurahan natin sa bundok…ano un tambakan lang, walang sistema, itatambak na lang yun dun forever…isa pa, ang ganda nung place, you can see the lake there, pwedeng gawan dun ng mga cottages, pero ginawa lang tambakan ng basura, ang matindi pa neto, binabagsak lang ung basura sa bangin…meron pa, ung kalsada ng baras, ang sikip-sikip na marami pang naka-park…mayor, mayor, mayor, hindi mo ba nakikita un? do something about it! pumupunta kang states, why don’t you try what you’ve seen there. right? ipagbawal mo ang pag-pa-park sa national road! kapag me nag-park hulihin. bigyan ng fine! tapos dapat meron tayong lane para sa daanan ng tao, mahirap gawin alam ko, malaki magagastos, pero kung mayroong political will at kagustuhan, masusulusyunan yan, kailangan natin ng road widening, yung marikina, ang sikip-sikip dati o tingnan mo ngayon maluwag ang kalsada! saka maraming madidilim na lugar sa atin kailangan ng mga ilaw, saka dapat maging masigla ung bayan natin. kung magiging maayos ang baras, maganda pamamalakad, sistematiko, magpupuntahan ang mga investors, edi yayaman ang baras, magiging proud tayong lahat, hindi na tayo tatawaging bayan na api!!!!!!!!

  17. pedrong barasenyo Says:

    yang pwersang yan di mo na makikita yan pag nanalo na sila!

  18. observer Says:

    Hahaha.. tama ka dyan brader.

  19. magdalow Says:

    mali kayo dyan…..pedrong barasenyo & observer.

  20. pedrong barasenyo Says:

    hoy magdalow hindi ako pinanganak kahapon. mula nung bata ako hanggang ngayon wala akong nakitang malaking pagbabago sa baras! kasi kulang sa talino’t kakayahan ang nauupo, palibhasa kamag-anak kahit hindi karapat-dapat binoboto pa rin..at siguro kulang pa din sa kamalayan ang mga botante.

  21. magdalow Says:

    PEDRONG BARASENYO,,,
    HINDI KO SINABING IPINANGANAK KA LANG KAHAPON….ANG GUSTO KO LANG SABIHIN AY PAG-ISIPAN MO MUNANG MABUTI ANG SINASABI MO.
    MASYADONG MALALIM ANG PULITIKA.
    ANG SABI MO WALA KANG NAKITANG MALAKING PAGBABAGO SA BARAS,EH DI PARA MO NA RIN SINABI NA MERONG NABAGO KASO NGA LANG MALIIT…
    HINDI MO NMAN KASI MAPAPAUNLAD ANG ISANG BAYAN SA ISANG IGLAP LANG LALU NA KUNG HINDI SAMA-SAMA AT NAGKAKAISA!!!

  22. magdalow Says:

    Ang pulitika sa atin ay kamag-anak at partidista system.Kahit ayaw mo sa kandidatong iyon basta’t kamag-anak o kapartido,wala tayong magagawa kundi iboto sila.
    Mali…pero iyon ang katotohanan.

  23. magdalow Says:

    kakandidato ka ba?…
    sa tingin ko bata ka pa!!!…kulang sa sustansya at basta na lang banat ng banat.
    *una mong tinira yung mga kakaripot na talong,,ganyan tlaga yata sa una at saka depende yan sa market….bakit ka magtatanim ng sobrang dami kung konti nman ang order,eh di nabulok lang yung iba…
    *pati yung basurahan tinira mo rin,,,talagang ganun yun pero siguro nman may sistema yun at saka sabi mo basta na lang inihuhulog sa bangin,sYemPre,,,alangan nman sundan mo pa yun eh di nahulog ka rin sa bangin….
    *at isa pa yung banat mong road widening…hindi yun magkiclick dahil wala ng espasyo,,,sabihin na nating dagdagan ng tig-isang dipa sa kaliwa’t kanan yung tulay natin sa may palengke,paano ng gagawin mo dun sa mga bahay na tatamaan ng widening program mo…

  24. pedrong barasenyo Says:

    una sa lahat hindi ako kakandidato, pangalawa hindi ako banat ng banat lang…siguro ikaw ang banat ng banat lang ng hindi pinag-iisipan ang mga sinasabi…papatunayan ko yan sa iyo..mawalang galang sa paggamit ko ng mga termino…

    organic farming- ang binibigyan ng diin ko dito ay dapat kung gagawin ang organikong paghahalaman dapat hindi iyong pangkaraniwang mga gulay na makikita din sa palengke. Saan ipagbibili ang mga iyon? mayroon bang kikitain kapag iyon ang mga pinalago, may tutubuin ba sa huli? kasi gumastos din doon hindi ba? kaya ang suggestion ko pwede ang mangga, tutal naman mayroon tayong mga manggahan sa bundok, suportahan ang mga may ari ng mga manggahang iyon, hanapan ng market dito o sa labas ng bansa kasi nagiging popular na ang organically-farmed products sa mga health conscious.

    dumping site- sana puntahan mo yung dump site para masabi mo rin na hindi maayos ang pangangasiwa sa mga basura, at sa nabanggit mo parang wala ka talagang alam at pakialam kung basta na lang hinuhulog sa bangin ang mga basura. kapag umulan tatangayin ang mga ito pabalik sa atin, hindi lang yon mayroong mga toxic waste na kasama rin yon na talagang makakaapekto sa kalusugan nating lahat. makakasama na sa atin makakasama pa sa environment. That was my point!

    road widening- ito’y isa lamang suggestion upang maging maganda at maayos ang ating kalsada. hindi ko sinasabing do it right away. kasi kung wala plano sa bayan walang mangyayari, at kung conventional mag-isip at pessimist kagayo mo magdalow walang mangyayari talaga..walang pag-unlad..

    kaya ko nga sinabing mahirap, pero sinabi ko rin na kung may political will at kagustuhan ay magagawa, kaya nga nagbigay din ako ng example, yung marikina nga na dati ang sikip-sikip ng mga kalsada ngayon maluwag at maganda na!

    sana maliwanagan ka magdalow..

  25. observer Says:

    So what do you suggest that we do magdalow? Nothing? Sayo na nangaling na mali. Anu ang dapat gawin? pabayaan nalang?

  26. magdalow Says:

    Eh kung may magagawa ka ba observer ay laking tuwa at pasasalamat ko na lang sayo dahil magkakaroon tayo ng pagbabago…..
    Subukan mo sa iyong sarili,,,kaya mo bang hindi iboto ang tiyuhin o pinsan o kaya’y kaibigan mo na lagi mong kasama???!?? (suggestion ko lang)

  27. magdalow Says:

    BEING A COUNCILOR IS NOT AN ON-THE-JOB TRAINING.
    SO WHILE YOUNG PEOPLE HAVE PASSION AND IDEALISM,THE OFFICE IS STILL NOT FOR THOSE WHO ARE TOO WET BEHIND THE EARS.

  28. explosibo Says:

    Aba eh kung drug lord at maninira ng pamilya na nananahimik ay Hindi aba!!!

  29. explosibo Says:

    Hindi ko iboboto!!

  30. magdalow Says:

    @explosibo
    maagap ka palang gumising ah…..
    tlaga yatang malaki galit mo kay mayor ah…..
    ginagawa mo na tong libangan ah….
    bakit naman?…..(interesado lang ako)

  31. magdalow Says:

    @explosives
    pano kung hindi ka bigyan ng mana ng mga magulang mo kasi hindi mo ibinoto yung kamag-anak mo…..eh di maghihirap ka nyan habang yumayaman yung marami
    pano kong tablahin ka na sa inuman ng mga kumpare mo kasi hindi mo sila napagbigyan…..eh di wala ka pang tama habang maram,i na ang lasing
    pano kung hindi na nabibili yung mga PLASTIK sa junk shop….eh di wala ka ng delihensya

  32. valeriano Says:

    mas maaga ka gumusing kay pedro,magadalow.di ka siguro matulog sa katotohanang inihahayag ni pedro barasenyo.Bakit kaya nag resign si Mr.Agerico Valdez sa munisipyo.Dahil kaya di na nya masikmura ang mga kurakutan diyan.Di ba siya ang arkitekto ng Organic Farming sa ating bayan na hanggang ngayun ay hindi makausad.Dahil sinasabi ng administrasyon na priority nila ito pero otherwise,e walang policy ang Robles admin dito.
    Pagtuunan mo nga ito ng pansin magadalow at alam ko malapit na malapit ka kay Mayor.dahil sipsip ka.

  33. baras_bukas Says:

    may point ka ka-pedro. ang road widening ay magagawa kung paplanuhin ng maayos. Pwedeng bayaran ng pamahalaan ang mga tatamaan ng pagpapaluwag ng kalsada lalo na ang national road para maging progresso ang Baras. At sa basura- siguro kaya tayo na lublob sa Ondoy flooding dahil din doon. (walang sapat na drainage system sa Baras)
    There should be a good plan for everything at nasa matalinong lider ng bayan iyan nakapasan.
    Sino nga ba ang karapat dapat? Sana iyong maraming alam sa development hindi iyong basta lang uupo at mangungurakot sa kaban.

  34. lalala Says:

    Uyyyy.. si MAGDALOW, threatened sa mga bata. hahaha.joke lang. wag pikon. :)

    pero, ganun ba ang dapat attitude natin sa mga bata? mali pala si Rizal nung sinabi nya na ang kabataan ang pag-asa ng bayan. kungdi ngayon, kelan pa?

  35. magdalow Says:

    >>>VALERIANO
    Ang guLO mo nman…
    Sabi mo di ako makatulog dahiL sa katotohanang inihahayag ni pedro barasenyo tapos tatanungin mo ko ngayon kung bakit nagresign itong si ager valdez at saka marami ka pang mga hinuha.

    MaLi ka dahaiL bangLayu ko kay mayor…

    Ikaw ang SIPSIP dyan kay pedro barasenyo,,,eh hindi nman yan ang may hawak ng SUSI…
    …isa syang eLitista na maganda talaga ang pangarap sa ating bayan kaso hindi ito akma at aplikable sa baras.

  36. valeriano Says:

    magdalow,ang pina uusapan ay mga kaaanak na boboto sa kapwa nya kaanak.di ba magpinsan si Mayor at si mr. valdez?bakit nawala si mr. valdez sa posisyon nya?dahil sa hindiu nga sila magkita eye to eye tungkol sa mga policy ng munisipyo.ang alam ko pwesto ni mr. valdez ay Mun. Administrator,meaning alter ego siya ni Mayor.e hindi naman yata nangyayari oyun.dahil si monet yata ang umaaktong alter ego ni Mayor.

Leave a Reply. All comments are moderated. No text language allowed. All Caps are not allowed.