Round 2: Back in 2004…
Posted on April 21, 2010, 8:49 PM under Political SpectrumHere’s the speech of Mayor Wilfredo Robles in his campaign rally on April 18, in Barangay Rizal.

The following are some of quotes from the speech.
Ang masasabi ko sa ating mga katunggali… bago sila lumait at mamintas ng kapuwa, alisin niya muna ang muta sa kanyang mata.
Noong manalo ako nong 2004…
…napakabigat na tungkulin ang aking sinalo. Bangkarote po ang ating bayan. Maraming mga baluktot na minana ko, na ako ang nagtuwid para sa bayan.
…Walang kagamitan ang munisipyo. Dumating ko noong 2004, wala akong lamesa. Ang ating kapulisan, walang gamit o sasakyan. Ang lahat ay sira. Pero ngayon, ilan ang sasakyan ng ating kapulisan? Ipinagawa natin yung 2 luma, bumili tayo ng 2 motor, nakakuha tayo ng mobile. Bumili tayo ng isang speedboat.
… wala tayong firetruck. Meron tayong luma, pinagtatawanan. Pinagawa po natin yung luma, at bumili pa tayo ng isa na ngayon ay napapakinabangan ng ating bayan.
… ang lahat ng barangay ay walang sasakyan. Pera po ng bayan ang ipinambili niyan.
… wala tayong ambulansiya. 2 ang sira. May nakita pa akong may nakasakay na uling sa ambulansiyang puti. Sira ang asul, nilagyan ng kung ano para ang makina ay hindi umandar… bumili ako ng ambulansiya na pinakamaganda sa lalawigan ng Rizal. Ultimo iyong mga against sa aking pagbili sa ambulansiya, siya po ang unang gumamit… ngayon, buhay na buhay siya.
…dati dati walang service ang mga empleyado ng munisipyo. Ibinili natin ang Treasurer’s office, ibinili natin ang Engineering office ng sasakyan.
Nakiusap ako sa ating governor na tayo ay bigyan ng panghakot ng basura. Dati rati, wala tayong mapagtapunan. Pero ngayon, ipinasara natin ang basurahan sa itaas.
Walang nabago sa aking sarili, ang nabago ay ang bayan ng Baras.
Meron daw akong bahay sa Antipolo. Meron daw akong babae na ibinili ng kotse. puro hearsay. Yun ngang bahay ko sa La Pogi hanggang ngayon hindi natatapos, nakatiwangwang pa rin, ibibili ko pa yung sinasabing babae? Ako pa ang bibili eh sila na ang nasisiyahan. Gawin na lang nating biro ang mga issue na yan. Hindi na dapat pinapatulan.
Inaakusahan ako ng sunog sa Barangay Evangelista. Wala namang katotohanan.

April 30th, 2010 at 3:08 pm
Ayan narinig ninyo na walang katotohanan ang yung mga paratang na walang pruweba. Kay Ex mayor Dindo ang lakas ng ebidensiya na siya ay hindi Abugado.
May 2nd, 2010 at 9:33 am
thank you for your effort on providing us these(Dindo and Mayor Willy’s) audio recordings of their proclamation speech..
we appreciate your effort in doing this, good job!
May 5th, 2010 at 8:37 am
There appears to be favoritism here. Where is Edna Edillo Owen’s proclamation speech?
Why is it so difficult for some of these “Want to be Elitists” to accept the reality that Baras will prosper and be better off without them. The people want Change. That is why they will vote Edna Edillo Owen, “The Foreigner’s Wife” for a Better tomorrow…