Pulis Baras kinilala
Posted on November 10, 2007, 11:27 AM under Police BeatDAHIL sa kanilang pagdakip sa isa sa mga most wanted ng Rizal, kinilala ni Police Chief Supt. Jesus Versoza ng Police Regional Office-4A ang pulisya ng Baras sa pamumuno ni Police Sr. Insp. Arthur Masungsong.
Sa ipinadalang komendasyon mula sa Camp Vicente Lim sa Laguna noong Set. 5, kinilala ang pulis Baras “for eminently meritorious and valuable services rendered as members of Baras (Municipal Police Station), Rizal (Provincial Police Office) who effectively implemented the warrants of arrest against the Number 10 Most Wanted Person in Rizal province.
Nadakip ng lokal na pulisya si Licerio Bagacay, 38, sa Sitio Lorenzo Ruiz, Brgy. San Roque, Antipolo City noong Agosto 11 matapos ang isang buwan ng pagkalap ng impormasyon at pagmamatyag. Suspek si Bagacay sa pagpatay kay Luzviminda Luveria at nabigong pagpatay sa asawa nitong si David Luveria. Tinambangan ang dalawa sa Sitio Putik, Brgy. San Salvador noong Abril 11.
Maliban sa kasong pagpatay, suspek din si Bagacay sa iligal na pagdadala ng baril at pagsira sa ari-arian. May pabuya na P 300, 000 sa kanyang pagkakaaresto.
Pinarangalan din ang lokal na pulisya bilang pinakamahusay na istasyon para sa mga 3rd class na munisipalidad para sa buwang Agosto hanggang Nobyembre 2005.
Samantala, siyam na katao ang inaresto mula Hulyo 18 hanggang Okt. 5 bilang bahagi ng kampanya ng pulisya laban sa ipinagbabawal na gamot. Sila ay sina Jayson Reyes, 24, Noah Christopher Sarmiento, 23, Marlon Macarulay, 19, Marvin Alcantara, 27, Arnold Reyes, 26, Cristian de Guzman, 18, Nilo Sorio, 27 at dalawang menor de edad. Sinampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Rizal Prosecutor’s Office.
Source: Baras Balita, Issue No. 3, July 2005 – January 2006

February 18th, 2008 at 5:32 pm
wow,naman galing ng pulis baras…..so keep it up the hardest work…….from dubai cofee bean and tea leaf….
November 4th, 2010 at 9:38 pm
baka pwed maglagay ang ating police dept ng police outpost sa sitio malalim,,para anu man manyari may reresponde na agad di na tatawag pa sa bayan,,,ganun din sana masimento na yun naputol na kalsada papunta baras nhs ,,,,,,
June 20th, 2011 at 11:19 am
hoy may ninakawan nanaman jan sa TAPAT NG MUNISIPYO SA TAPAT LANG NINYO WAG KASI KAYONG MATULOG SAYANG BINABAYAD SA INYO MGA ……. KAYO AHHH
June 24th, 2011 at 6:18 pm
last december 2010, ninakawan din kami, garden set namin na nasa balkonahe,iningat-ingatan namin nanakawin lang pala…. naiwan pa ang tsinelas ng magnanakaw…… tsinelas ng bagets…
June 24th, 2011 at 6:20 pm
nung isang linggo, me nagnakaw naman ng malaking cable wire sa brgy. evangelista, ewan ko kung kaninong communication company yung ninakaw….. masyado na malala ang nakawan sa baras,
July 21st, 2011 at 1:47 am
ganyan kagagaling mga pulis baras…