Masungsong: Walang ‘jueteng’ sa Baras
Posted on October 14, 2007, 10:38 AM under Police Beat“TOTALLY jueteng free ang Baras.”
Ito ang sinabi ni Police Senior Insp. Arthur Masungsong, hepe ng pulisya, sa gitna ng kontrobersiya na talamak ang operasyon ng iligal na sugal sa ilang panig ng bansa. Sinabi ni Masungsong na sa simula ng panunungkulan ni Mayor Wilfredo Robles ay pinaalalahanan na ng mga kapitan ng barangay at pulis ang mga nagpapataya ng jueteng upang itigil ang kanilang iligal na gawain. Nakasaad din sa isang setipikasyon na may petsang Mayo 23 na walang jueteng sa bayan. Bukod kina Robles at Masungsong, may pirma ito nina Fr. Giovanni Osias Yago ng Parokya ni San Jose at Amado Golla, kinatawan ng non-government organization.
April 28th, 2008 at 10:43 am
wow!… jueteng free ang baras?!?! da best kasi pulis at mayor natin eh!!!..
the best talaga ang baras… miss na miss ko na po baras!.. sana po makapag lagay pakayo ng mga litrato ng baras dito sa web site!!…
thanks MR. Herbert Carigma.. Pagyamanain ang Baras Rizal!!! mabuhay!
April 29th, 2008 at 7:27 pm
anong jueteng free eh my nki2ta pa nag ko n nag pa2tya ng jueteng eh!!!!!!