Tax collection tumaas ng 14 %
Posted on November 20, 2007, 12:06 PM under GovernmentSENYALES NA ito ng pag-unlad.Tumaas ng P 4.46 milyon, o 14 % ang buwis na nakolekta ng pamahalaang bayan mula Enero hanggang Disyembre 2005.
Batay sa mga dokumento mula sa Accounting Office, kumita ng P 31, 706, 213 ang pamahalaan noong isang taon, kumpara sa P 27, 247, 434.95 noong 2004.
Ang mahigit P 5.97 milyon ay kinita mula sa buwis at iba pang bayarin na direktang pumupunta sa kaban ng pamahalaang bayan samantalang ang P 25.73 milyon ay mula sa Internal Revenue Allotment. Ang Ira ay tumutukoy sa share ng lokal na pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng mga mamamayan. Sa bawat pisong buwis, ang 40 sentimos ay napupunta sa pamahalaang lokal. Noong 2004, P 23.86 milyon ang Ira ng Baras.
Mula Enero hanggang Nobyembre, ang nakolektang amilyar ay umabot ng P 1.52 milyon, kumpara sa P 837 libo noong 2004. Sa pareho ding panahon ay nakakolekta ng P 1.14 na business tax. Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang rekord ng kita para sa buwan ng Disyembre.
Narito pa ang ibang pinagkakitaan ng pamahalaan mula Enero hanggang Nobyembre 2005: Permit fees – P 485, 816.15; Community tax – P 219, 699.24; Inspection fees – P 174, 698.52; Clearance and certification fees – P 165, 468.98; Garbage fees – P 140, 870; Fines and penalties (lokal na buwis) – P 95, 484.83; Kita sa palengke – P 72, 296.60; Franchising and licensing fees – P 68, 345; Subsidy mula sa ibang ahensya ng gobyerno – P 58, 131.53; Amusement tax – P 28, 385; Subsidy mula sa ibang lokal na pamahalaan – P 20, 000; Registration fees – P 11, 415; Professional tax – P 9, 630; Fees on weight and measures – P 6, 778.50; Fines and penalties (permit at lisensya) – P 4, 382.61; Subsidy mula sa regional office – P 870; Dividend income – P 200; Iba pang pinagkakakitaan – P 157, 891.91.
Nabayaran na rin ng pamahalaang bayan ang utang sa Government Service Insurance Corporation na P 561, 104.18, batay naman sa Status of Outstanding Remittances/Obligations ng Municipal Budget Office. Ayon kay Nicanor Llagas, Administrative Officer II ng AO, ito ay utang pa sa mga nakaraang administrasyon. Dagdag pa niya, malaking bentahe ang pagbabayad ng utang sa GSIS dahil hindi makakautang ang mga empleyado kung hindi pa nakukumpleto ang dating bayarain. Bago manungkulan si Mayor Wilfredo Robles, may utang sa GSIS na P 2, 099, 895.38.
Kumpleto na ring nabayaran ng pamahalaang utang nito sa Pag-Ibig Fund na umabot ng P 370 libo; sa Philhealth na umabot ng P 122 libo; sa Philippine National Bank na umabot ng P 357 libo; Bureau of Internal Revenue na umabot ng P 286 libo at sa Expanded Value Added Tax ng BIR na umabot ng P 106 libo.
Samantala, narito naman ang distribusyon ng share ng mga barangay sa RPT noong 2005: Pinugay-P 164,593.11; San Salvador – P 101,461.05; Santiago-P 74,438.51; Rizal-P 64,166.37; San Jose-P 52,778.51; Concepcion-P 51,244.94; San Juan-P 48,059.39; Evangelista – P 43,678.29; Mabini – P 41,429.42 at San Miguel-P 36,543.95.
Source: Baras Balita, Issue No. 3, July 2005 – January 2006
Recent Comments