Konseho nagpasa ng 17 ordinansa, 252 resolusyon
Posted on October 10, 2007, 10:36 AM under GovernmentKUMPARA SA mga taong 2001 hanggang 2002, mas maraming ordinansa ang pinagtibay ng kasalukuyang Sangguniang Bayan para sa unang taon ng kanilang panunungkulan.
Batay sa mga tala sa konseho, 17 ang ordinansa na pinagtibay mula Hunyo 2004 hanggang Hunyo 2005. Noong Hunyo 2001 hanggang Hunyo 2002, isa lamang ang naipasang kautusan. Sa mga resolusyon, 252 ang naipasa ng kasalukuyang konseho habang noong 2001, 93 ang mga kapasiyahan na pinagtibay.
Ilan sa mga promi-nenteng kautusan na pinagtibay ay ang Ordinance No. 7 na nagtatatag ng Municipal Sports Development Program. May layunin ito na palakasin pa ang programang pang-isports ng pamahalaan. Kumuha ng mga sport coordinator para sa sikaran, basketball, softball, baseball, volleyball, lawn at table tennis, chess, at badminton. Noong nakaraang taon din ay itinakda ang P 6 bilang minimum fare sa pagsakay sa tricycle, at naglagay ng mga karagdagang regulasyon sa operasyon ng pam-publikong sasakyan. Itinatag ang Baras Social Fund, o Pondong Baras sa Kautusan Blg. 16. Ang Market Code ng Baras ay inapbruhan noong Okt. 10, 2004 kung saan itinakda ang mga bayarin sa pamilihang bayan.
Sa Kautusan Blg. 19, ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ang pagkakarera ng mga sasakyang de-motor sa buong bayan. Inatasan ang pulisya, sa suporta ng 419th Provincial Mobile Group at mga opisyal ng barangay, na ipatupad ang nasabing ordinansa.
Pinatawan din ng regulatory fee ang mga videoke machine, videogames at personal computer games.
Upang maisaayos ang daloy ng mga sasakyan, ginawang one-way traf-fic ang mga daang A. Ferrera, Leopoldo Digma (dating Magtanggol), Alipio Robles at An-dres Bigasin (dating Katwiran), Arsenio Alvarez (dating Alejo), Alejo San Juan (dating Trabajo), Arsenio Matig-nas (dating Katipunan), Mariano Vallestero (dating J. P. Burgos), Felix Layacan (dating A. Bonifacio) at Victoriano Gimenez (dating A. Mabini). May parusa ang sinumang lalabag dito.
Batay pa sa record ng konseho, walang liban sina Konsehal Ramon Matignas Jr., Mario Mendoza at Emmanuel Olaño sa 58 na karaniwang at di-karaniwang pulong ng SB. Isang beses lamang nawalan ng quorum ang konseho.
Source: Baras Balita, Volume 2 Issue 1

January 15th, 2008 at 12:52 am
Ang tanung ay kung ilan ang batas na naipapatupad at hindi kung ilang ang naipapasa