Inauguration Speech of Mayor Kathrine Robles

Posted on July 3, 2013, 9:11 AM under Government

Isang mapagpalang pagbati po sa lahat ng panauhin ngayon, sa aking mga minamahal na kababayan at sa lahat ng naririto.

Nais ko pong balikan ang mga nakaraang panahon. Noon ni sa hinagap ay hindi ko naisip na ako ay tatayo sa inyong harapan sa ganitong pagkakataon. Isang batang meron simpleng buhay at personalidad. Noong ako ay maigting na sumusunod sa aking mga magulang kahit na sa kursong kukunin. Subalit sa paglipas ng mga araw ay marami ng nababago. Mga pagbabago dulot ng karanasan, ng mga nakikita at natutunan sa labas, sa mundong ginagalawan. Sumibol ang mga pangarap na nais rnarating at makamit. Napaka swerte ko po dahil nanatili ang suporta at pag agapay sa akin ng aking mga magulang.

Sa aking mga magulang, ang akin pong taus pusong pasasalamat sa pag sang ayon ninyo sa aking simulain.

Sa aking ama, tanggapin po ninyo ang pinakamataas kong pagkilala para sa inyong pagsasabuhay sa tunay na huwarang lingkod bayan sa pamamagitan ng inyong mga halimbawa natutunan naming maging mabuting tao sa lipunan.

Sa aking ina, ang walang sawang paggabay, pagdarasal, walang araw, walang gabi, kahit malayo ay malapit din. Maraming salamat for always there for me.

Sa aking kabiyak, thanks babes.

Sa aking mga anak, my precious possessions.

Sa aking mga kapatid lao na kay Kenneth, sa aking Tito Jr. at sa aking Lolo Zoilo na naglaan ng kanyang panahon upang saksihan ang araw na ito.

Sa aking mga kamag-anak, kaibigan, sa lahat ng pamunuan ng NPC, sa ating mga panauhin ngayun umagang ito hindi ko na po kayo iisa isahin at baka pa meron akong malimutan banggitin.

Sa higit na Sampung Libong tao at supporters na naghalal, nagtiwala at nagbigay ng karapatang manungkuian, akin ang kagalakan at karangalan sa pagbibigay ng titulong unang babaeng Punong Bayan ng Baras. Lubos po ang aking pasasalamat sa inyong lahat. Hindi ko po maisip kung anong salita ang mas hihigit pa sa THANK YOU. Dito, ay nais ko pong banggitin ang isang piece ng poem: “Thanks” is the best one single most beautiful and powerful prayer can offer”.

Higit sa lahat. Sa ating Panginoong Maykapal, na nagbigay sa akin ng kaiakasan, katalinuhan at ng isang espesyal na regalo at pagpapala na makapag lingkod sa aking mga kababayan at maging isang mabuting anak ng Dios.

Sa pitong buwan na pagsabak sa pangangampanya, nakita ko po at naikot ang tunay na anyo ng ating bayan. Mayaman po ang Baras, taliwas sa lagi nating naririnig. Una na po dito ang ating mga sarili, ang ating mga natatanging talento; ang ating pag uugali, kultura at personalidad. Maraming mga likas na yaman na naghihintay lamang na ito ay bungkalin, pagyamanin at alagaan, At marami rin akong nakitang kulang.

Nakaranas po ako ng rnaraming pagsubok, mga issues/batikos na nalos below the belt na usapin. Pinagsumikapan ko pong tumayo at magpakatatag, ibuhos ang aking kakayahan at kalakasan upang mapagtagumpayan ang kampanya. Ang hirap, pagod at matinding init ng araw ay hindi naging hadlang sa bawat araw na paglibot sa bayan, sa pakikipag usap at pakikipagtalastasan, bagkus its ay nagsilbing inspirasyon at direksyon ng aking mga kasamahan upang mapaigting ang pagkakaisa.

Ipinaglaban ang pangarap at magandang hangarin sa bayan. Natapos na po ang mahabang laban at pagsisikap, atin ng nakamit ang tagumpay.

Ngayon araw na ito ay inyong nasaksihan ang aking panunumpa, ang pagbibigay at pag atang sa akin ng isang malaking obligasyon at responsibilidad. Ang mahalagang araw na ito av magtatatak ng panibagong kabanata sa Bayan ng Baras. Aking tinatanggap ng buong puso, ang malaking hamon na ito na maging isang mabuting leader ng ating Bayan, na bukas na haharapin, na may taglay na pagmamahal, pag-asa at kasiyahan na kayo ay napaglingkuran. Ngunit, hindi ko po kayang mag isa at ng kawani ng Pamahalaang Bayan ang mga responsibilidad na ito. Hinihiling ko po sa inyo na patuloy ninyo kaming suportahan sa mga hakbang na aming gagawin sa ating Bayan, tapos na po ang halalan, tapos na ang batikusan, tayo ay patuloy na mag sama samang mangarap para sa iisang Baras. ISANG BARAS na ang ibig
sabihin ay:

I – Iisang Bayan, iisang Hangarin
S – Sama samang haharapin ang daraan na araw at taon
A – Ang bawat isa ay rnaging isang iingkod bayan (patriot)
N – Nanaisin ang kabutihan ng nakakarami
G – Gugugulin ang panahon upang mas umangat

BARAS
B – Bubuo pa ng mga Sectorals upang mas lalong mabigyan pansin ang mga maliiiit o maiaiaking ahensya ng lipunan.
A – Aayusin ang mga kawani, kapaligiran at lipunan.
R – Responsibilidad ng bavvat isa na magkaroon ng tamang disiplina, bigyan ng kalakasan, pansin, synergy at tapang na harapin ang ating mga pangarap na hangad ng ating Panginoon Diyos para sa ating Bayan.
A – Asahan ang isang mahusay, bukas, malinis at maayos na pamamahala
S – Sisikapin na ang anim (6) na “K” na plataporma ay maisasakatuparan. Na tutulong upang mas lalo tayong umangat.

1. Kalusugan – Ang ating yaman ay ang ating kalusugan. Atin pong ilalapit ang pangkalusugan serbisyo sa ating mga kababayan sa pagsasakatuparan ng K-Mobil na lilibot sa ating bayan upang kayo ay sadyain tignan at kaiingain. Kasabay nito ay magtuturo ng parenting, feeding program and Christian Values.

2. Karagdagan na Karunungan – Ako po ay naniniwaia ang isang pamana hindi po pwedeng manakaw sa atin ay ang karunungan na sya rin mag aangat sa ating buhay. Kaya’t patuloy ko po na susuportahan ang mga program pang Edukasyon katulad na lang ng ginawang programa ng aking Ama sa pagbibigay ng libreng test papers, assistance sa graduating students, scholarship programs at ALS (Alternative Learning System) sa mga kabataan o matatanda na gusto makatapos ng pag-aaral. Patuloy po tayong magbibigay ng mga pagsasanay sa ibat ibang sector ng lipunan upang madagdagan ang kanilang kaalaman at maibigay ang kaniiang pangangailangan.

3. Karagdagan na mga Benepisyo para sa mga Senior Citizen & PWDs – Atin pong mas lalong bibigyan halaga ang ating mga Senior Citizen at PWDs sa pagbibigay ng Free Annuai Check-up, pagbibigay ng Life Insurance Card, pagsasagawa ng field trip, Senior Ballroom Dance, libreng pasine at Annual PWDS Olympic.

4. Karagdagang Serbisyong Publiko – Atin pong sisikapin n maitayo ang bagong Pamilihang Bayan na syang isang magiging aspeto sa pag uniad ng ating Bayan. Sisikapin ko rin po na magkaroon ng bagong Public Cemetery upang ang ating mga mahal sa buhay ay meron mas maayos na lugar na paglagyan. Sa tulong po ng mga kapulisan, kasundaluhan, mga Brgy. Officiais, tanod ay lalo po natin palalakasin ang Peace and Order dito sa ating bayan. Dahil ako ay babae, lalo po natin palalakasin ang karapatan ng mga kabababaihan, pagbibigay ng livelihood programs na makakatuiong sa kaniiang pamilya. Patuloy na pagsasaayos at Pagtatalaga sa Wawa Park bilang isang Tourism Zone upang mas makilala ang ating Bayan. Atin din pong sisikapin na mabigyan ng dagdag na benipisyo para sa mga BHW, BNS, Dept. Head, staff at sa lahat ng kawani ng Pamahalaan.

5. Kalakang pangbukid patungo sa pamilihan – Sabi nga ng ating bagong Gov. Nini Ynares na ang Rizal ay gusto nyang maging Food Basket dahil tayo ay mas malapit sa Maynila. Kaya’t ating dadagdagan ang mga imprastraktura upang mapadali ang kalakaran. Pagkakaroon ng Kalakalan pang Bayan o Presyong Bagsakan na tatangkilik sa sariii nating produkto. Hindi na po tayo kailangan pumunta pa ng Divisoria upang mamili ng mga wholesale, na gulay, dito lalakas ang ating lokal na ekonomiya. Ito rin ay isang sangay upang atin palakasin ang titulung 1st Organic Town. Patuloy po nating susuportahan ang mga programa/upang mas mapalakas ang kalakarang organiko sa ating Bayan.

6. Katuwang ang mga negosyante sa pagbubukas ng puhunan – Ang mga negosyante ay maiaking bahagi ng ating lipunan. Kaya’t idudulog ko sa ating Sangguniang Bayan na magbalangkas ng Investment Incentive Code at Industry Support Team upang ang ating mga negosyante ay mabigyan ng mas magandang serbisyo, mababang buwis at seguridad sa kanilang pamumuhunan.

Ito po ang aking short at long term na pangarap sa ating bayan. Napakarami pa rin pong mga proyekto ang aking Ama na naiwan at hindi kayang maisakatuparan sa Siyam na Taon Lamang. Aking ipagpapatuloy ang magandang sinimulan ng aking Ama, akin pa pong pagsusumikapan mahigitan ang mga magagandang bagay na kanyang nagawa. Ngunit, hindi po ito pangarap lamang ng dalawa o iilang tao. Tayo po ay isang Baras, ay isang Baras, ang lahat po ng mga pangarap na ito ay ating harapan
na meron WILL POWER and DETERMINATION.

Ito po ang inyong bagong Punong Bayan, Kathrine “KC” B. Robles, ang Kaunlaran ng Communidad ang Prioridad ay muling nagpapasalamat sa pagpapakita nyo: sa amin ng suporta at kayo ay dumalo, nakiisa at nag
paunlak sa aming imbitasyon para sa okasyon na ito.

GOD BLESS US ALL.
MABUHAY!!!