23 estudyante sumailalim sa SPES
Posted on October 20, 2007 by Herbert Joseph Carigma under Education, Government
DALAWAMPU’T tatlong kabataan ang sumailalim sa Special Program for the Employment of Students.
Sina Mary Jane Albano, Maan Amistoso, Edith Atienza, Mark Anthony Buella, Mabel Diñozo, Kimberly Gail Fernandez, Normalyn Landoy, Antonio Peñaranda, Maria Karen Reyes at Roschelle Vallestero ay pinasuweldo ng munisipyo ng P 173 kada araw para sa kanilang serbisyo mula Abril 4-Mayo 3. Sina Julius Ankahan, Jhonel Custodio, Cleopatra de Vera, Emmanuel Emnace, Jane Mary Ferrera, Vanessa Lado, Mary Queen Lotino, Jennelyn Olaño, Jenelyn Reyes, Merry Rose Ulic-ulic, Jessa Joy Velgado, Rose Ann Velgado at Joana Mari Vibanco naman ay pinasweldo ng pamahalaang panlalawigan ng P 273 kada araw mula Abril 18-Mayo 17. Sa kanilang suweldo, 60 porsiyento ay mula sa lokal na pamahalaan habang ang 40 porsiyento ay mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Samantala, 15 kumpanya ang lumahok sa job fair na inorganisa ng Public Employment Service Office ng Baras at DOLE. Isinagawa ito sa gymnasium ng Brgy. Evangelista noong Enero 15.
Kabilang sa mga kumpanyang lumahok ang French Baker, First Quadrant, Ever Shoppers, Inc. at Bench. Mahigit sa 300 aplikante mula sa Baras, Tanay, Morong, Teresa at Laguna ang naghanap ng trabaho.
Dumalo rin sa programa si Konsehal Dante de Guzman ng Ikatlong Distrito ng Quezon City. Ang kanyang kumpanyang Asian Pacific Group of Companies ay kasama din sa job fair.
Binigyan ng ID ang mga aplikante na maaari nilang gamitin sa paghahanap ng trabaho sa mga kumpanya sa Rizal.
Source: Baras Balita, Volume 2 Issue 1