Magulo, madumi at maputik ngayong eleksyon
Bagama’t hindi kasing-init ng pulitika ang halalang pambarangay noong Okt. 29, wala ring ipanagkaiba ang sistema kung dumi, trapiko at paglabas sa batas sa eleksyon ang pag-uusapan. Ginagamit pa ng mga kandidato ang mga bata upang mamigay ng mga pulyeto sa loob at labas ng mga silid aralan.
Tatlong pulis ang namataan subalit walang nakabantay sa mga gate, kung saan talamak ang bigayan ng mga sample ballot.
Sa madaling salita, palengke ang barangay at Sangguniang Kabataan election ngayon. Siya nga pala, umulan kagabi kaya maputik.
Ang mga sumusunod na larawan ay kuha sa Baras Elementary School kung saan nagaganap ang halalan para sa sa walong barangay. Santiago Elementary School ang polling precinct ng Barangay Santiago samantalang Pinugay Elementary School para sa Barangay Pinugay. Sa kaunting halaga ng suweldo ay pinag-aagawan ang mga posisyon, at may ilan na ring namatay sa ibang lugar.
You can view the photos here.

























alice said
am October 30 2007 @ 4:45 pm
may tama ka dyan! Ngunit pansinin mo nga naman, sapat na ba na mabasa ang mga naisulat mo sa website na ito. Ilan ba sa mga taga-baras ang nakabisista na rito.
Im guilty noh! bomoto rin ako at nakita ko rin ang mga nakita mo. Mali at tama. Makati nga sa kamay eh, yung feeling na boto mo ipatrol mo. Eh, la eh, mas madali ang tumahimik, at taging pwede mo lang gawin ay bumoto ka ng maayos, gamit lamang ang kamay mo, pikit mata at nakasara ang tenga.
nice website nga pala, make it colorful, naghahanap nga ako button para maging memeber, para makapag-share din ng views and opinion pag may time ako. meron ba?
herbert said
am October 30 2007 @ 7:23 pm
Sa ngayon kasi nasa beta testing pa lang ako ng website, so wala munang article contribution. We’ll start accepting contributors on December 2007.
ahr-ey said
am March 5 2008 @ 12:21 pm
uhm.. . wla ka ka ba balita 2ngkol sa bandahan sa parokya? nung dec. 27.. .
joseph said
am March 5 2008 @ 7:48 pm
wala ako dun eh, so wala akong coverage. pero welcome ang contributions, lalo na ang pictures.