Comments on: Wet and wild pagoda sa ilog

By: lou
paki feature ang street dancing!!!!!!

By: glory1016
HOYYY “Taal na Taga-Baras”, ganyan din ang gawain ko noong bata pa ako. Isang talbog sa ilog bago pumasok sa iskwela. Masaya noon, kasi patagalan kami sa pagsisid at paglangoy at ang linaw pa ng tubig-ilog noon na siyang ginagamit sa pang-araw-araw sa bahay panlinis man o pagluluto.

SALAMAT ULI SA MGA TAGA-MUNISIPYO SA PAGHIHIGPIT SA ORDINANSYA TUNGKOL SA ILOG-BARAS!!!

By: baras&i
Taal na Taga Baras:

My gulay! Kilalang kilala kita! Nakakatuwa naman talaga ang pagkakataon! Anyway, tinatawagan kita noong isang araw pa, kaso ayaw pumasok ng call ko sa kahit na kaninong cellphone nyong mag-anak! O ngayon, kilala mo na ko? HEhehe!

By: Me_myself
Kabayan, nilagyan ng Sala ang ilog ng Baras, parang naroon na yon simula ng magkaisip ako. Sa panahon ng Tag-araw sinasarahan ang sala para makadaloy ang tubig papuntang palayan na syang pagkukunan ng mga magsasaka ng tubig. At sa panahon naman ng tag-ulan, binubuksan ang sala para hindi bahain ang bayan. Pinagbawal na ang mga babuyan sa tabi ng ilog. Kung meron man  mga babuyan sa Wawa Mabini at Wawa Boulevard, labas yon sa kinaroroonan ng sala. Pinupuri ko din ang ating Punong Bayan, dahil sa lahat ng nanungkulan magmula ng ako’y magkaisip, tanging sya lamang ang nagkaroon ng initiative na ipilinis ang ilong hanggang sa kailaliman nito, pinatanggal ang mga burak upang lumalim ang ilog. Yong ibang nanungkulan, wag po sana kayong magagalit sa akin, kasi di ko nasaksihan ang pagpapalinis na katulad ng ginawa ni Mayor Robles. At lahat ng empleyado ng Munisipyo at mag opisyales ang syang gumawa nyan, walang exempted sa kanila. Yong ibang nanungkulan, hanggang salita lamang, nalilinis din naman ang ilog pero yon lang nsa ibabaw kasi yon lang ang nakikita ng tao.

Sana po sa susunod pang mga Tromba at Pagoda sa Ilog, Makasama na namin kayong lahat na nasa ibang bansa, upang lalong masaya at marami ang makilahok sa ating Tromba at Pagoda sa Ilog. Paghandaan nyo na, next year pa naman eh… KASI ANG HINDI UMUWI…TALO…!!!!

By: Taal na Taga-baras
Buti naman pala at malinis na uli ilog natin. Noong elementarya kasi ako diyan kami kumukuha ng mga tubig na panlinis sa aming sinaing at panlinis sa bahay. Diyan din ang aming paliguan parang swimming pool. Bago pumasok sa eskwela lulundag lang kami at ahon na. Pero noong high school at nagkolehiyo na ako unti-unting nasira kasi maraming mga tao  ang nagtayo ng babuyan malapit sa ilog.Wala na ba ang mga babuyan ngayon? Buti naman at napangalagaan na muli ng mga taga-munisipyo. At batay sa sinabi mo na ilog natin ang pinakamalinis sa buong Rizal e isa pa yan sa puntos na dapat nating ipagmalaki.

Salamat sa info.

By: isang bagsak.com.
Kabayang abudubai, Hindi po Herbert Bartolome, hehehe!!! Herbert Joseph Carigma po. Baka po hindi i post ang request nyo kc iba surname naitype nyo po…Baka po pagud kayo…Heheheh!!! interesado pa naman ako…Pero wag po kayo mag worry, matalino po administrator ng site na to, lam ko maiintindihan nya kayo… MABUHAY PO KAYO, AT MABUHAY KA RIN HERBERT BARTOLOME ay!! CARIGMA PALA…heheheh joke!!joke!!joke!!!

By: Me_myself
Salamat Taal na Taga Baras. Natural lang siguro ang magpakumbaba ako kasi parang sa takbo ng patuloy kong pagsubaybay nitong mga nakaraang araw, mas nakakatanda kayo sa akin. 26 years old pa lang po kasi ako at panganay sa magkakapatid. Kami lahat ay sumusubaybay sa Baras Rizal online, pangit lang kasi basahin na tayo tayo nagkakagakagalit. Hindi magandang influwensya sa mga batang sumusubaybay din sa site na ito. Kaya ayaw ko rin mag comment in English para hindi maintindahan ng mga foreign nationals kung ano ang pinagtatalutalunan ng mga taga Baras. Tama na yong tayo tayo na lang ang nagkakaintindihan.

Nais ko din ipabatid sa inyo na sa buong Probinsya ng Rizal, ilog Baras lang siguro ang malinis. Kahit papano, nagtulong tulong ang mga empleyado ng MUnisipyo sa paglilinis ng ating ilog. Sa pangunguna na rin ng ating Punong Bayan. Kaya malayang nakakapagtampisaw ang mga bata, at ang Pagoda sa Ilog ay syang magsisilbing patotoo na ang ilog Baras ay malinis pa hanggang sa Kasalukuyan. Napapakinabangan ng mga magsasaka pagsapit ng Tag araw upang hindi matuyo ang kanilang sinasakang lupa. Ang mga dumi sa ilalim ng ilog ay sadyang tinanggal. Bawal na magtapon ng Basura sa ilog. Dapat i preserve ang ating ilog para mapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon.

Natutuwa ako dahil marami na ang nagbibigay ng kanilang kontribusyon sa site na ito. Sana nga lang, kapag nagbibigay tayo ng comment dito, yon naman may kabuluhan na kapupulotan ng aral ng mga kabataan. Kung mag English man, wag na sansalain at ipahiya ang taong nagbibigay ng kanilang kumento. Kung maganda naman ang sinabi at informative okay na yon. Yong iba kasi, nakikisali lang para magbidabidahan na wala mapupulot na aral ang mga bumabasa. Ipakita naman natin sa buong mundo na tayo ay mga desente mamamayan, mga edukado at karesperespeto. Wag na tayo magbigay ng Komento na pagmumulan ng away. Kung ano ang topic doon na tayo magconcentrate. Walang masama kahit mag english pa ang kung sino man nagbibigay ng comment. Ganun talaga. Second language natin ang English at di maiaalis sa ating mga Filipino yan. Buhay pa sa Kultura natin ang colonyalismo. Ang importante nagkakaintindihan tayo at may natututunan sa pagbisita sa site na ito.

Mga mahal kong kababayan, Maraming salamat at lalo na sa yo MR. ADMINISTRATOR for giving everyone the opportunity to share their ideas, it is only thru this site where the Barasenian   rots bind together in terms of unity and to express and listen our inner voices and shun the bandwagon that leads people unto the bondage of ignorance and misconception. I just hope that after those exchange of spicy words, let it serve a springboard, a more fulfilling and fruitful Barasenian that we can be. As God’s children, we deserve nothing less.

By: glory1016
Hoy mga kabayan!

Salamat nagkabati-bati tayong lahat at sama din ako sa plano na magkita-kita tayo sa TROMBA 2010.  Sabik na akong makitang muli ang bayan kong sinilangan. Diyan din ako nag-aral sa TCMC after St. Joseph High School then I moved to UE. Nag-abroad ako sa Korea, Saudi, at ngayon ay kasalukuyan na akong na sa States over 25 years na. Sakristan din ako noong araw pero sandali lang.

Sarap basahin ang mga comments dito sa BRO.

Umaga pa lang before I start my job, this site is the very first one I open to be updated about BARAS.  Thank you so much HERBERT!!

I’m proud of you having this site established which is one way to organize all our KABAYANS!

By: Taal na Taga-baras
Oy mga kabayan maganda yang mga nasabi nyo ha.

Kay ME & MYSELF; Magnda yang pagpapakumbaba. Gustong-gusto ko yung sinabi mo na kahit mahirap financially ang Baras ay mayaman naman ito sa kultura-pagmamahalan at kapayapaan. Actually ganyan din ang paniniwala at ipinahayag ko sa una kong reaksyon, kaya pilit kong pinagtatanggol ang ating mga kababyan sa panlalait na ginawa ng isang tao.

Mganda yang ganyang realization di ba kahit na noong una kinampihan yung isa na nanlait e napag-isip-isip pa ring dapat ipagmalaki ang sarili nating bayan. Yan ang mgandang bunga ng ating mahabang palitan ng mga opinyon kahit pa nga nalayo na sa orihinal na paksa. Kaya tama talaga na me kontrabida, kasi sa dulo ng bawat pelikula walang nananalong kontrabida lagi yung bida. Dito sa ating pelikula: ang ating bayan na BARAS ang panalo kasi siya ang talagang bida.

Kay Baras & i;

oy pareho pala tayong sexy (he he he). Oo nga baka nga magkakilala tayo personally kaya lang di ko pede sabihin saan ako bansa kasi pag sinabi ko malalaman nila kung sino ako, e ganda muna na secret yung ating mga pagkatao para masaya. Pero bbigyan kita ng kaunting klu kung sino ako para kung sakaling kilala mo ako talaga e magkakaroon ka ng ideya: laki ako sa angkan ng mga katuwa sa magtanggol st. bagamat hindi talaga yun ang orihinal kong angkan. O medyo kilala mo ba ako? Anyway kung hindi man e in one way or another e baka magkamag-anak pa tayo kasi alam mo naman sa Baras halos lahat magkakamag-anak.

Mr ABu DUBAI: Ganda yung opinyon mo sana nga magkaroon ng seksyon dito sa BRO na maaari mo paglagyan ng advertisement ng mga trabaho na makkita mo diyan abroad para naman makapag-apply din mga kbabayan natin.

Parang halos magkaedad tayo kasi ako rin yung SA BIRHEN ang naaalaala kong isinisigaw pag trumba sa ilog man o sa kalsada. Masarap alalahanin yung panahon na yun ng trumba natin ano? talagang basaan to the max. Tapos palibhasa tabing-ilog kami e nilalangoy namin yung pagoda para makasakay kami kahit pinagbabawalan  kasi nga baka lumubog. E dalawa pa ang banda natin noon yung banda 49 at banda 81 ( di ako sure kung tama alala ko)kya naman nakakaenganyong umindak. AT may uniform talaga ang mga mananayaw. Salamat nga at nananatili pa rin ang kaugaliang yun sa atin na tatak Baras– kaya alam ng mga karatig bayan natin na pag May 1 dapat umiwas na sa pagdaan sa Baras kasi talagang maliligo sila. Ngayon kahit medyo nagbago na bunga ng modernisasyon e masarap pa ring panoorin di ba kahit sa video lang natin napanood e nakakaindak pa rin. Pag tinatanong ko nanang ko noong araw kung bakit me trumba ang sagot niya e bilang pasasalamat at paghingi  daw ng mabuting ani at mabuting huli sapagkat agrikultural nga ang Baras– kung saan pagsasaka at pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao. Nakakalungkot din nga lang ngayon na sira na ang ating ilog at yung dagat (madalas na tawag ng mga taga-Baras  kahit ang totoo e karugtong yun ng lawa ng Laguna). Pero nagkakaintindihan naman tayo sa ganoong paraan.

By: Me_myself
Sorry po baras&i, sa pagkakamali ko. Galing po kasi ako sa duty ng mag comment ako, antok pa ko noon.

But anywayz, i appreciate your efforts of visiting this site regularly. And tama ka, Lets all join the Tromba next year…at sana magkakila kilala tayo para magkatulungan upang mapa unlad ang baras.

Dun po sa sinasabi mong kung magkakakila kami, ang totoo si isang bagsak kilala ko dahil kapatid ko sya. Pero yon pong iba, di ko kilala. Laking simbahan po kami at ako ay sacristan mag mula ng ako ay grade 3 hanggang makagraduate ako ng high school sa St. Joseph. At lalaki po ako…Isang mahinahon na tao at low profile lang po ako. A working class citizen. I work for my family, nagbabayad ng obligasyon sa bayan sa pamamagitan ng taxes na binabawas sa konting kinikita. Kaya medyo dismayado din ako sa kalakaran ng buhay dito sa atin.

Pagpaumanhin nyo po ang pagkakamali ko..Sana po wag na tayo mag aaway away. Bagkos, magtulungan po tayo sa tungo sa pagbabago. Mahal ko ang bayan natin dahil dito ako pinanganak, dito ako namulat, narito ang mga mahal ko sa buhay at narito ang buong angkan ko. GOOD LUCK PO SA INYO AT NAWA’Y PAGPALAIN KAYO NG PUONG MAYKAPAL.