No entry, after the Tromba

Posted on May 2, 2010, 7:10 AM under Culture and Tradition

“Wala nang magsisimba d’yan.”
“Palitan na yan!”
“Sa Tanay ka na lang magsimba.”
“Wala na tayong simbahan.”



These were just some of the comments I heard yesterday afternoon, after people tried, but failed to enter Saint Joseph church and bring the images of saints that were included during the Tromba (street dance). People banged through the main door, hoped that someone would let the men carrying the images come in. But minutes after they realized that their efforts will be futile, people started to leave the patio.

Here are the photos:

Main door

Door leading to the parish office.

Side entrance

Door leading to the sacristy

Just when almost everybody left, some people showed up.

82 Responses to “No entry, after the Tromba”

  1. Cherry Says:

    what’s the real story here? why wouldn’t they want the people enter the church? Your news lacks information, it just left us clueless on what really happened.

    Too bad i wasn’t able to join the Tromba becuase i’m working…

  2. lolz Says:

    BAKIT GANUN NGAYON LANG ATA NANG YARI YAN AH.. ANO YAN GIMIK NA PARI????????

  3. magdaLow Says:

    parang kuLang yata detalye ah…pwede bang dagdagan???…

  4. RON Says:

    SANA MALAMAN NATIN NG DETALYE ANG MGA NANGYARI KUNG BAKIT NAGKA GANUON?

  5. kamoteshake Says:

    ha? ano raw? ikaw ba ijo e ok lang? ang labo naman nitong article mo. alam mo ba ung why, when, where, and how? geez… my golly

  6. observerdin Says:

    Meron daw kasing “Nobody but you” na trompa sa parada.

  7. ikawnanaman Says:

    sana bilang isang mamahayag ay kinompleto at balensiyado ang paguulat kung baga sa luto ay half cook ang tirada mo.
    natanong at nakuha sana ang dahilan kung bakit no entry.

  8. Sheryl Says:

    puro reklamo, kala mo naman may mga subscription fees na binabayaran.

  9. Ding Says:

    Kung tunay kang taga Baras at nag sisimba ka sa Parokya ni San Jose, Hindi pwedeng hindi mo alam ang dahilan. Ang pari ng parokya.

  10. kimpossible Says:

    ano daw ang dahilan ni father???

  11. bosabos Says:

    aba magpasalamat tayo kay herbert at kahit papano may nalalaman tayo sa ating bayan. kung ano man pagkukulang nya ay unawain natin at wag puro angal . tama k sheryl!

  12. baras at kamote Says:

    @Ding
    kapag ba ang isa tao ay nangibang bayan ay hindi na tunay na taga baras? kaibigan huwag maging tanga… isipin mo rin ang kalagayan ng iyong mga kababayang OFW na nangungulila sa balita sa ating mahal na bayan.

    @Sheryl
    kakatuwa ka, isa ka pa…
    tila yata ang baras ay napuno ng sangkatangahan…

    Marahil ay alam ko na ang dahilan ni father, para iligtas ang bayan muna sa sangkatangahan.

  13. akonaman Says:

    Mga kababayan ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng patas na pagbabalita.
    @ding & sheryl – di ko alam ko paano sinusukat ang pagiging lantay na taga baras, sa ganang akin ay taga Baras ako , dahil sa baras ako ipinanganak at lumaki hanggang umabot ng 40 yrs old, 3 taon na akong nasa ibang bansa huling yakap at tapak ko sa ating simbahan ay Mayo 2007. May bahay at sakahin ako sa baras na taun taon ay binabayaran ko ang buwis sa munisipyo. hindi ako nagrereklamo natutuwa nga ako at may fora na ganito kahit papaano ay naiibsan ang pangngulila ko sa atin bayan. Sa panahong ito dapat diretsahan hindi na paligoy ligoy, dapat kung ano ang nasa loob yun na ang sabihin mo sa tingin ko ay positibong obserbasyon lang yun.
    Thank you po.

    Salamat po.

  14. jhersey buatis Says:

    bakit nga ba?ano talaga ang tunay na nangyari,?and2 kasi me sa dubai so gusto ko lang malamn.

  15. taong bundok Says:

    sabe nila, ayaw ng pari natin na may tromba. last year naman ayaw ipalabas ang poon para isama sa tromba, si carlo lang ang naglakas loob na kumuha ng poon kasi nagagalit ang pari, hindi naman daw kasi fiesta or wat, lahat gustong baguhin sa bayan ng baras, ang sagot sa mga tanong nyo is gawa ng pari..

  16. jtm- ca Says:

    kasi naman mga kabayan ang dami nating pista pati pari nagugulo na. baka sa susunod pati poon magpista na ng kanila diba mga kuyang and ateng

  17. Ding Says:

    Ayan, sinagot na ni Taong Bundok ang dahilan, Gusto baguhin ng pari ang tradisyon ng bayan na nagmula pa nung panahon ng kastila yata. At sa kagustuhan nyang masunod ang gusto nya ay ipinagkait nya sa mga mananampaltaya ng Baras na maipasok sa sarili nilang simbahan ang kanilang Patron na matanda pa sa mga lolo at lola nang bayan. Ang tanong sya ba ang may ari ng simbahan? sya ba ang nag patayo nun? Diba mga taga Baras naman ang nag ambagan para maipatayo at mapanatiling nakatayo ang simbahan na yun, eh bat parang wala na yatang karapatan ang mga taga Baras sa sarili nilang simbahan?

  18. lolz Says:

    @ Ding
    kung gnun pala nag hahari harian ung pari na yan, bakit cno ba sya simpleng pari lng nmn cya ah at isa pa DAYUHAN LANG SIYA SA BARAS ano K nya para pakialaman tayo, at tama ka hindi kanya ang simbahan na yan kaya kahit sino pwede pumasok dyan…………..

  19. kuya Says:

    sana naman naintindihan ng pari ang mamamayan at mananampalataya ng baras ang ginagawang toromba taon taon..eh matanda pa sa kanya ang kaugalian na yan ng mga barasenyo..paliwanagan nyo kami padre para naman maintindihan namin kayo…

  20. ako si kamote Says:

    aba ma angas pala si father! tingnan mo nga naman ang mga kaganapan sa aking mahal na bayan.

    ilang taon lang nawala at may naka abito nang gusto baguhin ang daang taong tradisyon.

    magprotesta dapat ang mga tao!

  21. taong bundok Says:

    ang mga naunang pari kung anu dinatnan nila un na din.. minsan nakikisama pa sila sa mga kasiyaan na nagaganap sa ating baya. nakakatuwa alng hindi tau nakakalimtan ni father yago. tuwing tromba sumasama sya sa pagoda at nakiki;pag basaan pa

  22. teddy andaya Says:

    mga katoto kung magsipagcomment kayo ay para bang perfectong-perpecto kayo,masyado kayong mapaghusga s alagad ng DIOS,,,sana kung talagang mga marurunong kayo at BIBO,,,alamin muna nyo ang puno’t dulo o ang totoong dahilan,HINDI ‘YAN BASTA’T MAY MA-IISYU LANG KAYO O MAILATHALA S WEBSITE NG BAYAN NG BARAS,RIZAL..paala-ala lang ‘WALANG SUMISIRA SA BAKAL KUNDI SARILING KALAWANG”.

  23. palung palo Says:

    nake!!!! ala naman taung magagawa na tapos na kahit anung bagay o salita pang sabihin nyo indi na mababalik ang kahapon….

  24. autogreen. Says:

    oi mga ..taga baras ..gising na bah tinatama lang kayu ng pari na tin bakit..ano ba ang tromba?? bakit nyu pinag diriwang ha..? ang mga ayaw sumunod sa tama ayaw ang mga taong nag pa2bagsak lalo sa atin bayang tapos csaben yu yung peri na tin ngayun ang mali..lulxx gising

  25. cyberm8rix Says:

    Mga kababayan, naipaliwanag na ni Father noon pa yang issue na yan,cguro di kayo nagsisimba or ayaw nyo lang talagang tangapin na wala talagang ipinagdiriwang ang simbahan ng May 1,di naman pinapatigil ang tromba eh,kung yan ang tradisyon nyo fine!tuloy nyo lang pero wag kayong mag expect na pati simbahan makiki join din, pinayagan pa nga makapasok sa patio, kung issue ng pagbubukas ng pinto ng simbahan naman, last year pa naman di na pinabuksan di po ba???nakikita nyo po ba mga sumasama sa tromba? mga lasing mga bakla,yan po ba ay kaayayang suportahan ng simbahan???sana sa chapel ng malalim na lang nyo tinuloy ang tromba, pantron po dun si San Joseng Manggagawa which is May 1 po, kaya fiesta sa kanila… wag po natin pakitirin ang ating pag iisip… pari po sinisira nyo… mangilabot po kayo.

  26. cyberm8rix Says:

    sana yung ibang taong simbahan kayo mismo ang magpaliwanag sa tao na walang ipinagdiriwang ang simbahan ng May 1, kung sino pa kasi ang taong simbahan sila pa nagpapasimula ng gulo… Ang pari po laging pari magpakaylam man… naialay ang sarili, pamilya, nilimot ang lahat, may nabasa po ko before kung sino daw ang kumalaban sa pari, may matinding balik ang langit… mga pari po kasi alagad ng Diyos po mga yan with authority.. wala pong karapatan ang bawat isa na husgahan siraan,pagbitawan ng masamang salita at laitin ang isang pari….

  27. Ding Says:

    @cyberm8rix
    Bat naman nawalan ng karapatan ang tao na pag salitaan o pagbitawan ng masamang salita ang pari kung mali na ang ginagawa nito. Saang Saligang Batas mo nabasa yan? Nakapag aral ka ba? Nakapag tapos ka ba man lang ng Highschool?
    Alam mo ba ang nilalaman ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo? Kasiraan ng pari ang mga nasusulat dun at ang sumulat nun ay naging pang bansang bayani pa at ipuinangalan sa kanya ang probinsya kung saan makapaloob ang bayan ng Baras. Asan ang matinding balik dun?
    Wag ka nga panatiko sa mga pari, tao lang ang mga yan. Baka naman ikaw yung Pari ng Baras. Hahahaha, di na ko magtataka…….

  28. observerdin Says:

    Sabi ni Fr. Rico, WAG BUMUTO NG KANDIDATONG IMORAL.

  29. takis Says:

    @ding
    alam mo ba ang katapusan ng El Filibuterismo? malamang hindi..pero sasabihin ko sa yo..nagpakamatay..uminomng lason saka nangumpisal sa pari bago mamatay si Simon..so lahat ng kumakalaban sa pari ay may masamang nangyayari..ang pari ay pari magpakailanman, ang May 1 ay araw ng manggagawa at pista ng patron ni San Jose MANGGAGAWA at hindi ng Patron ni San Jose na ASAWA ni MARIA..dapat yung mga tao hindi na nagpumilit pumasok sa simbahan..open naman ang patio..kung gusto nilang pumasok dun sila dapat sa malalim pumunta kasi dun ang pista..siguro hindi ka nagsisimba kaya hindi mo alam..ang lahat ng kumakalaban sa pari ay may nangyayaring hindi maganda..kung hindi man ngayon baka bukas or sa isang linggo or pwede rin sa isang taon..malaki ang balik nun @_@

  30. takis Says:

    @herbert
    alam mo ba ang tungkulin ng isang mamahayag? you should know the both sides of the story..hindi magandang puro kasiraan ang nailalathala..wala namang magandang maitutulong un..

  31. lolz Says:

    @cyberm8rix
    kung ganun sa daming pari na nag daan jan sa simbahan ng baras bakit tanging cya lng ang nag sabi na walang tromba dapat ang baras… ung iba nga nakiki saya pa eh.. sa tagal n kaugalian yan ng mga taga baras at baka nga pati mga lolo mo at lola mo naki saya sa tromaba. bakit tanging saya lng ang nag sabi na wala dapat tromaba???????

  32. jejemonbuster Says:

    oh., now i know why Baras is still not improving because of its own citizens.. mga utak talangka at biya yata..hindi marunong umunawa… ANG HIRAP KASI SA INYO KAPAG ITINATAMA KAYO EH KAYO PA ANG NAGAGALIT ANG GUSTO NIYO YUNG GUSTO NIYO LANG ANG MASUSUNOD!

    kayo na din ang nagsabi na kung may pagkukulang man ay unawin niyo nalang sana naman ay gawin niyo yan sa lahat ng tao..hindi yung sa gusto niyo lang ang inuunawa niyo.. ang tatanda niyo na.. ganyan ba ituturo niyo sa mga anak niyo??ang magwala kapag hindi nasunod ang gusto?? mag-isip muna kayo ng maigi bago kayo magisip ng masama sa kapwa niyo., may nasasaktan din kayong tao.. ilagay niyo sarili niyo sa katayuan ng taong pinagkakisahan niyo para malaman niyo kung ano ang nararamdaman nila dahil sa mga pinaggagagawa nio…

  33. cyberm8rix Says:

    ay ang kulit naman!sabi ng di pinagbabawal ang tromba eh, di lang pede suportahan ng simbahan ang tromba dahil wala nga ipinagdiriwang ng May 1, kasi di po un ang patron natin… wag naman natin pakitirin pag i2sip natin, ayaw nating itinatama tayo ng pari dahil sa katotohanan gusto nyo pang maging mas mataas kaysa pari. kung ayaw nyo sumunod sa patakaran ng simbahan, bahala na kayo, total lagi naman kayo tama eh.. dahil mga perpekto nga kayo.

  34. cyberm8rix Says:

    @cyberm8rix
    Herbert Catholic ka ba?

  35. yam Says:

    @ding…
    Nabasa ko mga comment mo,ganyan kb walang tiwala sa pari?kung walang pari paano na,at kung di susunod sa mga turo nya ano pa….Sinusunod lng din naman ni Fr.kung ano ang dapat at tama yun lang yun…Kung makikinig ka s bawat salita na sinabi nya mauunawaan mo kung bukas ang isip mo…Sa mga kababayan kung taga Baras panahon na siguro pra itama ang lahat di nyo b namimiss ang time sabay sabay tayong naghahanda kung may fiesta unlike ngayon kasi nabubuhay p rin tayo s tradisyon ano b ang masama kung sa simpleng bagay ay makasunod at maitama natin ang dapat nagiging instrumento lang si Fr.pra itama ang lahat.sabi nga nila ANG PARI AY PARI MAGPAKAILANMAN….

  36. cyberm8rix Says:

    @Ding
    @lolz
    @taong bundok
    @ako si kamote

    2 LANG NAKIKITA KO SA WAY NG MGA COMMENT NYO.

    1. KAYO AY MAY PERSONAL NA GALIT SA PARI.
    2. MAARING KAYO AY MGA HINDI NAGSISIMBA AT HINDI MGA KATOLIKO.

    KITANG KITA NAMAN SA MGA COMMENT NYO EH.. MAAARING SI HERBERT ANG PARI NYO.

  37. yam Says:

    hay..nakalulungkot nmn ang mga taong di nauunawaan ang Pari alam nyo b kung ano ang balik nun?di man ngayon sa tamang panahon.Sila ay nag alay ng buhay para sa Diyos kaya kahit anong batikos ang gawin nyo hanggang dun lng yun s huli s inyo rin balik ng lahat ng kasiraan na sinasabi nyo…..

  38. kayonanaman Says:

    sandali lang ang isyu lang naman ay eto
    1.0 Hindi pinapasok sa loob ng simbahan ang patron o mga patron na dala ng nagtromba.
    >> hindi namin alam ang dahilan dahil kulang ang ulat ni Ka Herbert.
    >>> ngayon ang kaya daw hindi pinapasok ang mga nagtromba dahil ang araw ay kapiyestahan ng San Jose na asawa ni Maria, ang alam ko ang siya rin ang San Jose na Karpintero o manggagawa iisa lang yun, ke asawa ni Maria o Karpintero yun pa rin, napakababaw na man na dahilan yun at walang basehang kristiyano. Kung ayaw mong mag misa okay lang at least makapag dasal man lang ang mga tao.
    2.0 Kung talagang tradisyon ang tinutulan ng pari sa kaalaman po ninyo Father matagl na panahon na angtromba na yan at ang alam ko ay ang tromba ay patungkol higit lalo sa birhen ng Baras (asawa ni Jose na Mangagawa. ) nasa kabilang dagat po kasi ako naninirahan at ako ay bihirang makauwi sa baras ang huli kong pagsali sa tromba kami pa ang gumagawa ng pagoda mula 1990 – 1995, ang isinisigaw po sa tromba sa saliw ng banda ay ” Tromba, tromba, tromba sa Birhen” dindayo po ito ng mga taga karatig bayan tulad ng Binangonan at Pakil. Napakandang sariwain at alalahanin ang mga panahong yun. Sana isama ni Herbert ang kasaysayan ng tromba sa Baras para sa birhen, ganoon din ang tromba ng Binangonan para kay Sta Ursula at sa Pakil para sa Birhen Ng Tromba.
    Kung ang pari ay bago dapat ay nagreresearch siya or nagttatanong sa mga manang at manong ng baras tungkol sa TRomba sa Baras. Sana wag itong kalimutan napakagandang Pagdiriwang patungkol sa Pasasalamat at pagalala sa Birhen ng Baras.
    Ang tradisyung ito ay susog sa Tromba/pagoda ng Sto Nino, Cebu, Birhen at Sta Clara ng Obando, Bulacan, Penafrancia ng Bicol, Sta Urula ng Binangonan, Birhen ng Pakil ganoon din sa ibat ibang lugar hindi lamang sa Pilipinas pati na rin sa ibat ibang bansang Katoliko. Kayapwede natin ipagmalaki ang Tromba/Pagoda ng Baras tuwing Mayo Uno.
    Mabuhay po kayong Lahat diyan sa Baras.

  39. lolz Says:

    @cyberm8rix
    nag kakamali ka jan wala akong galit sa pari dahil wala akong dahilan para magalit sa pari, ang sakin lang bakit gusto nya kalimutan natin ang matagal ng kaugalian ng baras ng ganun ganun nalang tingnan mo dati 2 lang ang fiesta ng baras may at January pag sinabing January fiesta sunod ang mga tao pag sinabing may sunod din agad pero ngaun nag karoon ng march ano nang yari sa tao sa baras di ba nag kanya kanyang fiesta… alam mo cguro yan…. pero uo tama siya march nga fiesta ng saint joseph.. pero pati ba nman ang paniniwala at ang matagal ng kaugalian ng baras patitigilin nya at hindi papasukin ang mga taga baras sa simbahan ng mga TAGA BARAS.

  40. magdaLow Says:

    @cyber-matris…@man-takis…@jejemon-bukta

    Hindi nman komo’t pari ay yung kagustuhan nya ang laging tama at dapat na masusunod,,,dapat lang na maging abot-kamay at bukas sya sa kanyang mga parokyano dahiL sya ang itinuturing na aLagad ng Diyos at pinuno ng simbahang KatoLiko sa bayan na kanyang PINAGSISILBIHAN…
    Tapos mananakot pa kayo na may baLik kapag kinaLaban ang pari…SINONG TINATAKOT NYO?????…

  41. Ding Says:

    @observerdin:
    Kelan sinabi ni Fr. Rico na wag bumoto ng kandidatong imoral? Bwahahaha!!!!! humarap muna sya sa salamin saka nya sabihin yan. Sa bayan pa ng Baras sya nag malinis. Matagal na syang kilala ng taong bayan ano. May imoral pa syang nalalaman.

  42. cyberm8rix Says:

    http://www.wf-f.org/stjoseph.html

    From the Admin: Please do no use all capital letters.

  43. jejemonbuster Says:

    hindi talaga uunlad ang baras . . . . . .

    masyado nang magagaling ang mga tao dito.. pwede ng magtayo ng sariling gobyerno…

    mga bossing ata eh..pwe

  44. teddy andaya Says:

    @jejemonbuster–correct k dyan sa sinabi mo,,,,…Sige ipabasa nyo s buong mundo,, para sabihin ko sa inyo,,,dyan malalaman kung anong klaseng mamamayan mayroon ang bayan ng BARAS???..puro pa kayo di alyas “PAKILALA KAYO”…

  45. Sheryl Says:

    tama ka diyan teddy- antatapang kasi di kilala at inaatake ang tanging tao na kilala rito si Herbert.

    Yung mga may reklamo, kung ayaw nyo ng pamamahayag ni herbert- malaya kayong maghanap ng sarili nyong website.

    Ngayon- binibigyan kayo ng laya na magpahayag ng saloobin nyo kahit di nyo ito website, huwag nyo abusuhin. tira kayo ng tira! magpakilala muna kayo!

  46. best bread Says:

    Christ’s presence does not keep the storm away but He is with us in the storm.
    Paalala lamang sa bawat isa: ang pari ang tumatayong ama ng parokya. Bilang isang ama ng parokya, naniniwala ako na tayo ay binibigyan nya ng paggabay, ng aral at pagtutuwid sa mga bagay na dapat ay matagal na nating naunawaan. From Admin: all caps not allowed. Parts of the comments were deleted.

  47. Berretta Glock Says:

    Herbert paki post naman ang resulta ng election kahit unofficial tally thanks

  48. Cyberm8rix Says:

    @kayonanaman
    Ulitin ko lang po yung post ko na inalis ni Mr. Admin.

    Iba po yung feast ni San Jose Manggagawa at iba rin ang feast day ni San Jose asawa ni Maria.
    marahil magtataka kayo.
    Tingna nyo po mga Feast day Celebration ni Mama Mary:
    1. Feast day of Immaculate Conception – Dec 8
    2. Feast day of Our Lady of Fatima – May 13
    3. Feast day of Our lady of Lourdes – Feb. 11
    4. Feast day of Our Lady of Guadalupe – Dec 12

    Ito naman po ang kay San Jose:
    1. San Jose Manggagawa – May 1 ito po ang patron Saint ng Malalim kaya po pyesta sa malalim, kung dun po sana sa Chapel ng Malalim naideretso yung Tromba pagbubuksan po sila ng pinto at bintana pa.

    2. San Jose Asawa ni Maria- March 19 ito ang Feast day ng St. Joseph Parish, Baras Rizal.
    ito po ang Patron Saint ng ating Simbahan.
    kaya malinaw po na di po pedeng suportahan ng simbahan ang May 1, sa malalim po pede pa.
    di po to kuro kuro lang may mga basehan po to.

    paki open po link na to nadito po yung Feast days of Saint Joseph the Worker at Saint Joseph Husband of Mary. http://www.wf-f.org/stjoseph.html

  49. Cyberm8rix Says:

    @magdaLow
    ulitin ko rin po yung 1 pang message na inalis ni Mr. Admin.

    May basehan po ang sinasabi ko na ang mga kumakalaban sa pari ay may matinding ganti ang langit, May isang taong simbahan po dati na kumalaban sa pari babae po, active member of church,kumalaban sa pari at nagsalita ng masasakit na salita laban sa pari,last year lang po namatay sa sakit na cancer late na ng napagsisihan ang kanyang nagawang kasalanan, May isa pa po lalaki naman dating Active din po sa church at may mataas na posisyon sa simbahan kumalaban din po at nagsalita ng masasamang salita laban sa pari, kaya po tinubuan ng mga peklat at sugat sa katawan na parang ketong na hanggang ngayon ay bakas pa rin sa kanyang katawan na animo parusa ng langit, marahil marami nakakakilala sa mga taong to, di po to kathang isip ito po ay tunay at panutan na naganap mismos sa ating bayan, di po ko nananakot… wag nyo pong antayin na kayo naman ang sumunod sa mga taong to ng dahil sa pagsasalita nyo ng di maganda at paninira laban sa ating pari, maaaring bukas kayo naman ang balikan ng ganti ng langit. ang pari ay pari magpakaylanman,Servant of God, Chosen of God…

  50. Jojo Pogui Says:

    @cyberm8rix
    mukhang cool naman si “kaunamn” ang sinasabi mong San Jose na aswa ni Maria at ang mangagawa ay iisa lang siya ung amain ni Jesus.
    Que Mayo o Marso o Enero ipagdiwang ang araw ni San Jose dapat nga matuwa kau diyan sa parokya. Noon pa, may TRomba na twing Mayo Uno fiesta man siya ni san Jose o ni san rico ang birhen at ang sagrada pamilya ang isinasayaw sa tromba at isinasakay sa pagoda. Hindi ba?

  51. Ding Says:

    Papano yan, Nanalo lahat sa eleksyon ang kumakalaban sa pari na ayaw sa tromba ng Mayo Uno. Nasan ang balik na sinasabi nyo?

  52. Ding Says:

    @Cyberm8rix
    Anong pinagsasasabi mong ganti ng langit? Hindi ganyan ang Diyos oy, Ang alam ko sobrang mahal ng Diyos ang mga tao kaya pinadala nya sa lupa ang kaisaisa nyang anak na si Hesus upang iligtas ang mga ito sa kasalanan, tapos palalabasin mo pang mapaghiganti ang Diyos, sa sobra mong pagka panatiko sa pari, pati Diyos ginagamit mong panakot, eh papano na yung mga ibang tao na hindi katoliko at kontra sa mga pari, tulad ng mga Aglipay, Iglesia ni Kristo, Saksi ni Jehoba at mga muslim, ano yun gagantihan ng langit? Ke bobo mo naman. Saka ang mga pagkakasakit ay hindi ganti ng langit, pagsubok yan sa pananalig mo sa Diyos kung di ka hihiwalay sa kanya sa mga oras ng pagsubok, at ang kamatayan naman ay lalong hindi ganti ng Diyos, bagkos iyan ang pinaka dakilang biyaya na tatangapin mo sa Diyos kasi ang kamatayan ang simula ng pag pasok natin sa buhay na walang hangan. Kung para sayo ay kaparusahan ang kamatayan eh bat namatay ang mga santo at si Hesus? Yan ba ang mga natutunan mo sa paring galit sa Mayo Uno Tromba?

  53. Sheryl Says:

    well said Ding!

  54. magdaLow Says:

    @cyberm8rix

    sigurado ka ba nman dyan sa ginamit mong basehan???,,,panahon pa yata ni barOk at gOndina nauso yan…nasa cyber age na tayo at waLa na sa panahon ng cyber-kOpong-kopOng…nyahahhh

  55. Ding Says:

    # yam Says:
    May 9th, 2010 at 1:21 pm

    @ding…
    Nabasa ko mga comment mo,ganyan kb walang tiwala sa pari?kung walang pari paano na,at kung di susunod sa mga turo nya ano pa….Sinusunod lng din naman ni Fr.kung ano ang dapat at tama yun lang yun…Kung makikinig ka s bawat salita na sinabi nya mauunawaan mo kung bukas ang isip mo…Sa mga kababayan kung taga Baras panahon na siguro pra itama ang lahat di nyo b namimiss ang time sabay sabay tayong naghahanda kung may fiesta unlike ngayon kasi nabubuhay p rin tayo s tradisyon ano b ang masama kung sa simpleng bagay ay makasunod at maitama natin ang dapat nagiging instrumento lang si Fr.pra itama ang lahat.sabi nga nila ANG PARI AY PARI MAGPAKAILANMAN….

    @Yam,
    I cant accept yang sinabi mo na wala akong tiwala sa pari, dahil meron.
    Yung sinabi mo naman na papano na tayo kung walang pari, eh wala namang pari ang mga muslim, INK, Saksi ni Jehoba at iba pang sekta, patuloy naman silang nabubuhay ng maayos.
    Ang punto ko lang ay wag kang panatiko sa mga yan lalo na at lantad namang hindi sya mabuting halimbawa sa mga mananampalataya.
    Walang bayan na o bansa na walang sariling kultura at tradisyon,at iyan ay kailangang irespeto tulad ng pagrespeto sa mga mamamayan ng nasabing bayan at iyan kailanman hindi pwedeng sabihing mali dahil nalikha yan para sa ikabubuti ng mga mamamayan sa nasabing bayan dahil kung iyan ay nakasasama hindi sana yan nagtagal ng daang taon. May nasabi na nga rin dito sa forum na toh na sa dami ng paring dumaan sa 400 taon ng parokya ni San Jose bakit ngayon lang merong nangagalaiti na alisin yang tromba. Pari pa man din, walang respeto sa kultura ng bayan na pinasok nya. sabagay balita ko kung bastusin nyan ang mga mangagawa ng simbahan na kahit doble pa ang idad sa kanya ay ganun ganun na lang din.
    Let me give you an example ng pag respeto sa kultura, Ang Quiapo, para sa kaalaman mo, ang Patron ay si ST JOHN THE BAPTIST,may pagdiriwang sila ng June 24, pero and January 9 ang dinudumog ng tao, hindi ito feast day ng Black Nazarene ha, there is no such thing na Feast of the Black Nazarene, Ang January 1 lang ang anniversay ng pagdating ng image ng Black Nazarene pero binigyan ito ng kaukulang respeto kasi ito na ang naging kultura nila at kailanman hindi ito pinakialaman ng kanilang mga naging kura paroko higit pa ng ARCHDIOCESE OF MANILA kung saan nakapailalim ang Quiapo. Para sa kaalaman mo 26 years ago dating nakapailalim sa Archdiocese of Manila, ang parokya ni San Jose, nag totroba na rin kayo nun, and the due respect to the culture and tradition of Baras was given to you by the Prince of the Roman Catholic Church of the Philippines then.
    Sana maliwanagan ka na hindi lahat ng sinasabi ng pari ay tama. Suriin mo ang kanilang ispiritualidad, ang kanilang pakikitungo sa kapwa, ang kanilang pagrespeto sa mga tao at higit sa lahat namumuhay ba sila tulad ni Kristo.
    Im sure hindi papasa sa pamantayan na yan ang pari mo kahit mag pa survey pa tayo.

  56. Ding Says:

    # Ding Says:
    May 12th, 2010 at 9:47 am

    # yam Says:
    May 9th, 2010 at 1:21 pm

    @ding…
    Nabasa ko mga comment mo,ganyan kb walang tiwala sa pari?kung walang pari paano na,at kung di susunod sa mga turo nya ano pa….Sinusunod lng din naman ni Fr.kung ano ang dapat at tama yun lang yun…Kung makikinig ka s bawat salita na sinabi nya mauunawaan mo kung bukas ang isip mo…Sa mga kababayan kung taga Baras panahon na siguro pra itama ang lahat di nyo b namimiss ang time sabay sabay tayong naghahanda kung may fiesta unlike ngayon kasi nabubuhay p rin tayo s tradisyon ano b ang masama kung sa simpleng bagay ay makasunod at maitama natin ang dapat nagiging instrumento lang si Fr.pra itama ang lahat.sabi nga nila ANG PARI AY PARI MAGPAKAILANMAN….

    @Yam,
    I cant accept yang sinabi mo na wala akong tiwala sa pari, dahil meron.
    Yung sinabi mo naman na papano na tayo kung walang pari, eh wala namang pari ang mga muslim, INK, Saksi ni Jehoba at iba pang sekta, patuloy naman silang nabubuhay ng maayos.
    Ang punto ko lang ay wag kang panatiko sa mga yan lalo na at lantad namang hindi sya mabuting halimbawa sa mga mananampalataya.
    Walang bayan na o bansa na walang sariling kultura at tradisyon,at iyan ay kailangang irespeto tulad ng pagrespeto sa mga mamamayan ng nasabing bayan at iyan kailanman hindi pwedeng sabihing mali dahil nalikha yan para sa ikabubuti ng mga mamamayan sa nasabing bayan dahil kung iyan ay nakasasama hindi sana yan nagtagal ng daang taon. May nasabi na nga rin dito sa forum na toh na sa dami ng paring dumaan sa 400 taon ng parokya ni San Jose bakit ngayon lang merong nangagalaiti na alisin yang tromba. Pari pa man din, walang respeto sa kultura ng bayan na pinasok nya. sabagay balita ko kung bastusin nyan ang mga mangagawa ng simbahan na kahit doble pa ang idad sa kanya ay ganun ganun na lang din.
    Let me give you an example ng pag respeto sa kultura, Ang Quiapo, para sa kaalaman mo, ang Patron ay si ST JOHN THE BAPTIST,may pagdiriwang sila ng June 24, pero and January 9 ang dinudumog ng tao, hindi ito feast day ng Black Nazarene ha, there is no such thing na Feast of the Black Nazarene, Ang January 9 lang ang anniversay ng pagdating ng image ng Black Nazarene pero binigyan ito ng kaukulang respeto kasi ito na ang naging kultura nila at kailanman hindi ito pinakialaman ng kanilang mga naging kura paroko higit pa ng ARCHDIOCESE OF MANILA kung saan nakapailalim ang Quiapo. Para sa kaalaman mo 27 years ago dating nakapailalim sa Archdiocese of Manila, ang parokya ni San Jose, nag totroba na rin kayo nun, and the due respect to the culture and tradition of Baras was given to you by the then Prince of the Roman Catholic Church of the Philippines.
    Sana maliwanagan ka na hindi lahat ng sinasabi ng pari ay tama. Suriin mo ang kanilang ispiritualidad, ang kanilang pakikitungo sa kapwa, ang kanilang pagrespeto sa mga tao at higit sa lahat namumuhay ba sila tulad ni Kristo.
    Im sure hindi papasa sa pamantayan na yan ang pari mo kahit mag pa survey pa tayo.

  57. Carlos H. Kapares Says:

    ahm gandang araw po, isa po akong producer sino po ba yung nakadungaw sa bintana, yung naka t-shirt na white. Kukunin ko sana sa pelikula ko, Baras the movie “Ang natromba ang tromba.” paki submit po sa akin thanks.

  58. Carlos H. Kapares Says:

    4568877227_5885051af3_o eto po yun pic. I really need that guy to be my star for this blockbuster movie. Sa baras din po yung location ng movie ipapasara po yung 2 roads para maging maayos ung shooting ng movie. Magbangka na lang yung iba para makabyahe.

  59. joseph robles Says:

    @ding
    sa nakikita ko kay Ding bagay na bagay sa kanya name nya na ding, as in BADING!,100% bading ka di kc ganyan ang pa-iisip at pananalita ng tunay na lalaki. baklutay ka no!

  60. Ding Says:

    @ Joseph,
    Hahahaha, napatawa mo ko dun ah.
    Sa hinaba- haba ng last post ko bigla kang lumiko ng topic.

    I suppose the reason for that is either you don’t have the sufficient knowledge to contradict my claim or you have accepted in fact and in your mind that I am right pero hindi mo kayang tangapin kaya inililiko mo ang topic.

    Focus on the topic kuya, katukayo mo pa naman ang patron ng Baras, behave like the patron of peaceful death.

    Ngayon kung kabaklaan ang gusto mong topic talaga, open another forum and take that up there, not in this forum, ganun kasi ang tamang procedure. Sana naunawaan mo hane?

  61. joseph robles Says:

    bakla nga,hahahahahahahaha

  62. jejemonbuster Says:

    oh well, nothing’s change here..

    kaawa na talaga ang Baras…

  63. jejemonbuster Says:

    siguro kaya ganto tong tao na to eh kase nagAral ata sa U.P. d nmn pinansin dun. kya dito na lang nagpapansin..tuwang tuwa kapag may comment na against sa pari

  64. J. Rizal Says:

    alam ko naman na hindi fiesta ang may 1.. pero hindi naman siguro masama naipagdiwang ang tromba na matagal nang kaugalian.. may katwiran din si father na ang may 1 ay hindi fista ng patron na asawa ni maria.. pero di naman siguro masama ang mag tromba at mamanata at magsayaw sa araw ng fiesta ni san jose manggagawa dahil maganda naman ang aming intnsion kaya sana naman maunawaan ni father ang aming matagal nang kaugalian. wala naman sigurong masama sa aming ginagwa.

  65. Carlos H. Kapares Says:

    Hay naku, kelan ung next movie after yung Mayor Latigo…

  66. true blood Says:

    sabi ni mayor ang marso ay pista ng parokya..tama..marso naman kasi talaga ang kapistahan ni st joseph the worker.paano na ang mga kapatid nating ibang sekta di hndi sila makikisaya sa pagdiriwang na to..kaya tinuloy pa rin ang january..ito ang pistang bayan na lahat ng mga barasenyo ay sama samang magdiriwang makikisaya anuman ang relihiyon nya..ang mayo 1 o ang tromba ay isang tradisyon na pinagdiriwang na nuon pa..ito ay tradisyon,isa sa kultura ng baras.simple di ba di mahirap unawain.

  67. J. Rizal Says:

    para malinawan ang lahat. ang pinakamaganda niyan para matigil na ang usapin ng tromba kung tama ba na may tromba sa may 1 o wala. kasi wala namang makakasagot niyan kung sino ang tama at kung sino ang mali pare-pareho lang na may katwiran ang both parties. ang pinakamaganda niyan ipa alam niyo kay bishop gabby reyes para siya ang magdesisyon kung may tromba o wala sa araw sa buwan ng may 1 sa bayan ng baras. siguro naman matitigil na ang usapin na ito. kung haharap si father rico pati na ang mga mamamayan na namamahala ng tromba kay bishop gabby reyes sa antipolo cathedral ay siguradong magkaka meron ng linaw ang matagal ng pinoproblema ng mamamayan ng baras. payag ba kayo?? para maging malinaw ang lahat sa ikagaganda at ikatatahimik ng parokya ni San Jose.

  68. SUFFRAGIST Says:

    @ J.Rizal, magandang munkahi iyan. Isang maliit na komite, kung meron man o magtayo kung wala pa, ang sumulat o makipaghatid ng mensahe kay Archibispo Reyes na kailangan pagharapin at pagusapan ng dalawang (o tatlong ) sides ang tromba isyu. Usapan lang sa halip na pakiramdaman ang proceso para sa solusyon.

  69. prof mj Says:

    sna wag nyo husgahan ng pari, kse tinatama lng nya ang mali, ang patron natin e san jose asawa ni maria hndi san jose manggagawa, sna mag isip muna kyo bgo humusga!

  70. prof mj Says:

    ang pari ntin s baras e tinatama lng nya ang mga maling celebration s baras, tama lng ang knyang ginagawa

  71. magdaLow Says:

    @prof mj

    paano mo naman nasabi na tinatama lang ng pari natin ang maLing ceLebration,,,eh,hindi mo nga aLam na si San Jose Asawa ni Maria at San Jose na Manggagawa ay iisa lamang…
    ikaw ang sana’y mag-isip muna bago magbigay ng pahayag,,,prof. ka pa naman yata eh mayayari ka nyan ng mga estudyante mo…nyahahhh….

  72. BEST BREAD Says:

    @magdalow
    sa aking pagkakaunawa, ang sinasabi ni prof mj ay ang kahulugan ng thematic role or thematic responsibility. By context, ang ama at ina ay parehong magulang sa tahanan subalit ang distinct role ng ama ay iba sa distinct role ng ina. Ganuon din, kung ang isang parokya ay Parokya ni San Jose Manggagawa na nagpapakilala kay Jose bilang isang mabuting halimbawa ng pagiging manggagawa, ang Parokya ni San Jose, asawa ni Maria ay nagpapakilala naman ng kabutihan at katapatan ni Jose bilang isang mabuting asawa.

  73. magdaLow Says:

    @best bread
    ang sabi ni prof.mj ay tinatama lang ng pari yung maLing selebreysyon dahiL hindi nman yun ang ating patron,,,paano naman nangyari yun eh iisang tao nga lang yun kaya nga lang maraming katangian at kataga ang nakakabit kay Saint Joseph para sa kanyang tunay na pagkakakiLanLan dahiL waLa pa yata at hindi pa uso nuon ang mga apelyido…
    haLimbawa,,,nasa ibang lugar ka at hinahanap mo si Pepe tapos nagkataon na mahigit isang daan paLa ang may ganung pangaLan sa lugar na yun,,,syempre kaiLangan mong magbigay ng iba pang pagkakakiLanLan nung taong hinahanap mo,,,kung ito ba ay si pepe na asawa ni piLar na mangingisda o si pepe na piLar rin ang pangaLan ng asawa pero mekaniko naman ito o kaya naman ay pepe na isa rin mangingisda pero ang asawa ay si maria…

  74. saint andrew Says:

    The good thing that we should do as barasenians, is to trace the very history of Baras. We need to produce a thorough history of Baras. From there, we will certainly all learn about our history wherein our culture and Christian faith and tradition lie. Baras history is very rich that everyone must learn by heart and by mind. this will certainly help us all to resolve and understand why we have different celebrations of fiestas. It is a challenge to do but worth it when done.

  75. cool Says:

    @madgalow

    minsan mejo sumosobra ka na sa logic. As catholics, we give honor to saints, these are called dulia, higher veneration are called protodulia, and hyperdulia.

    for St. Joseph, He is given the honor protodulia, kaya more than one celebration ang ibinibigay sa pangalan niya. One is The patriarch/spouse of mary, which is really the original title given to him by default; and the other was being a carpenter, to give carpenters a patron saint since St. joseph is also a carpenter.

    Now every title given to a saint like saint joseph and mother mary has different dates of celebration. For saint joseph:

    March 19 – Feast of St. Joseph, husband of mary

    May 1 – St. Joseph the worker/carpenter.

    Oo tama nga sinabi mo, pareho nga silng st. joseph, pero the thing is, binibigyan natin ng ibang pagkilala ang kanyang pagiging asawa ni maria at panaglawang ama ni Jesus; at ang kanyang pagiging mangagawa o karpintero.

    Para mas madali, ang isang ina ay pwedeng maging ina at teacher ng magkasabay, pero bakit may mother’s day at teacher’s day pa? Ang ibig sabihin lang noon ay gusto nating bigyan ng pagpapahalaga ang bahagi ng buahy ng isang tao.

    Parang kay San Jose, magkahiwalay na pagkilala ang ibinibigay sa kanya bilang isang manggagawa at asawa ni maria.

    Ngayon, ang patron po natin ay si San Jose, na may titulong asawa ni Maria. mayroon din pong ibang parokya sa ibang lugar na San Jose ang manggagawa ang patron, pero hindi po yun magkasabay ng kapistahan.

  76. cool Says:

    I just don’t get it, reading the rest of this post is so unhealthy, both mind and in spirit. Sana wala nang mga hate posts, dahil hindi naman nakakatulong, hindi naman tayo uunlad kung ganyan. Practice diplomacy. Wala namang hindi nakukuha sa malinis na usapan.

    At ang lalong nakakalungkot, sino ba ang hindi nakakikilala kay san jose? sino ba may sabing magkaibang tao si San Jose na patron ng mga manggagawa at si San Jose na Asawa ni Maria?

    Realization ko lang, siguro mas maganda kung lahat tayo iapgdasal ang kabutihan ng ating parokya, ang higit na lumago sang puso’t isip ng mga nagsisimba. Ipagdasal din natin ang mga pari natin, dahil tao pa rin sila, hindi sila perpekto na maibibigay ang lahat nang hihilingin natin, ipagdasal na lang natin na mas marami pang tao ang makaunawa sa kanila at malaman na biyayang galing sa diyos ang isang kura paroko para sa isang bayan. Sa tingin ko lang, SUGGESTION TO THE ADMIN: i suggest that commenting should be closed. It’s just creating a stir. It’s not healthy anymore na mga taga Baras din ang nag-kakagalitan. Herbert, you did this to other posts before, you can do it again. This won’t gain any good publicity for all of us.

  77. cool Says:

    TO THE ADMIN:

    Just for clarification., what i mean’t was to this post only not to the whole website. You know what to do, just choose the right thing.

  78. Lady Gaga Says:

    @saint andrew

    alam mo di na kailangan humanap ng history ng baras dahil alam na namin yan. ang sabi nga ng isang pari na nakaasign sa marikina na ang tradisyon na tromba sa baras ay hindi dapat tangalin bagkos mas lalo pang pagandahin dahil ito ang kinamulatan na ng maramaing tao sa baras. Bakit pa natin pahihirapan na hanapin ang history ng baras? Ay!!! karamihan ng pari sa cathedral sang ayon naman sa tromba. Si FATHER ROMARICO HILARIO lang naman ang di sang ayon sa tromba kaya dapat siya na lang ang mag tayo ng sarili niyang simbahan para masunod ang kanyang gusto. Lahat naman ng mga gawain sa baras ay kanyang pinkikialaman. Sana ang pakialaman niya na lamang ay kung paano niya baguhin ang pangit niyang ugali. Ipanalangin na lang natin si FATHER ROMARICO HILARIO, upang maunawaan niya ang tama at mali. I LOVE YOU!!!

  79. magdaLow Says:

    @ kuL
    Ang sabi ko iisang tao lang si St. Joseph Husband of Mary at St. Joseph the Worker/Carpenter pero hindi ko sinabing iisa lang din ang kapistahan niLa,,,at ang sabi ko pa kaiLangan taLaga na laging magkasama yung mga katagang Asawa ni Maria at Manggagawa o Karpintero para ma-aydentipay na yun taLaga si St. Joseph na patron ng ating bayan,,,meron pa kasing ibang mga St. Joseph tuLad nina Joseph of Arimathea,Joseph of Cupertino at iba pa…
    …matanong ko lang,bakit mo nman gustong ipa-kLows yung komenting?,,,maLi nman yata yun!!!,lahat tayo ay maLayang magpahayag ng ating saLoobin at hindi ito pwedeng supiLin o ipagkait ng suman este sinuman…

  80. Cherry Says:

    Guys, please don’t argue we are all from this beloved Town, i can see that all of us here are really concerned regarding this old tradition, please respect each other’s opinion.

    Here’s my opinion on this issue: Di po talaga maganda yung halimbawa na ginawa ng Pari, there are other ways to educate or to let the people know the real deal with the “Tromba” if that’s his intention, at hindi po magandang halimbawa ang pagsaraduhan ang mga tao lalo na ang poon.

    Tromba is a very old tradition in Baras, at hindi na po siguro yung maaalis sa ating mga kababayan. Siguro po ay hindi naman talaga bawal kasi yung mga nakalipas na kura paroko nga ay hindi tumututol bagkos po ay nakikitulong pa sila sa pagpapaganda ng Tromba. Halimbawa na lang si Father Giovanni na kahit hindi na Kura Paroko ng Baras ay dumayo pa po para lang makisaya.

    this is just an opinion po, all in all i know that we all love Baras, let’s just work together to make our town a better place to live in.

  81. alexander llagas Says:

    To Mr. Admin Herbert Carigma

    As far as i know ginawa mo tong website na ito to promote our town baras, pero sa nakikita ko sa mga comments sobra na… tama na, ipinapakita mo ang tunay na ugali ng mga taga baras,dati pa naman tayong town of character nakakahiya na sa taga ibang bayan lalo na sa mga makakabasa abroad,walang magandang maidudulot sa bayan tong forum na to kaya close mo na, mas marami at mas maganda na dapat kang ipost para lalo pang makilala ang ating bayan sa maganda at di sa pangit na muka, sayang naman ang site na to kung pagsisimulan lang ng away at kaguluhan sa matitinding mga salitaan, batikos paninira mula sa bawat panig, naway magamit ito to promote our beloved town…… B A R A S

  82. Herbert Joseph Carigma Says:

    Points taken. Commenting closed.